^

PSN Showbiz

Bukod sa executive sa HK, BF ni Rufa Mae hindi matanda

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Nakilala na ng isang taga-showbiz ang non-showbiz boyfriend ni Rufa Mae Quinto. Contrary sa report, hindi naman daw ito matanda. In fact, executive ito sa Hong Kong at may hitsura.

True rin na nakabili na ang magka-relasyon ng bahay sa Amerika pero hindi ito cash na binili.

“Madaling mag-acquire ng property sa Amerika, maraming for sale dahil sa recession, kaya ’wag na silang magduda sa boyfriend ni Rufa Mae,” sabi ng source.

Kahapon ay nagsalita na si Rufa Mae sa Showbiz Central tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend na gusto niyang pakasalan.

* * *

Everywhere si Dingdong Dantes. Last Sunday lang, sa programang The Duke sa AXN hosted by Rovilson Fernandez and Marc Nelson with Eunice Olsen, una kong napanood si Dingdong. Pinuntahan pa siya sa bahay ni Eunice (na dating Miss Singapore) para tanungin tungkol sa kanyang bonggang career ngayon at sa pagkakasama sa sexiest man of the world.

Ipinakita rin ang collection niya ng mga toys at ang maraming accomplishments niya as an actor.

Metrosexual ang topic sa nasabing programa na host ang magkaibigang Rovilson at Marc na hindi lang sa bansa napapanood kundi maging sa maraming bansa dito sa Asya.

Ilang channel at minuto lang ang pagitan, si Dingdong na naman ang nakita ko. Guest naman siya ni Mother Ricky Reyes sa Q11.

Pagdating ng alas-dose, nasa SOP siya para naman sa launching ng StarStruck kung saan isa siya sa tatlong hosts kasama sina Carla Abellana at Raymond Gutierrez.

Pagdating ng gabi, ipinalabas ang bonggang special show para sa kanyang birthday, Dantes Peak.

vuukle comment

AMERIKA

CARLA ABELLANA

DINGDONG DANTES

EUNICE OLSEN

HONG KONG

LAST SUNDAY

MARC NELSON

MISS SINGAPORE

PAGDATING

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with