^

PSN Showbiz

Kabado kay Lloydie: Angel kailangang mag-acting workshop pa

- Veronica R. Samio -

Isa sa mga leading men na gustung-gustong ma­ka­sama ni Angel Locsin ay si John Lloyd Cruz. Pero inamin niya na sa galing nitong umarte ay kina­kailangang mag-undergo muna siya ng workshop bago sila magsimula ng trabaho.

“Kahit man lamang kalahati ay mapantayan ko ang husay niya, para hindi rin siya ma-disappoint sa akin,” katwiran ng aktres na tanggap na tanggap ngayon ng mga manonood sa TV bilang isang simpleng kusinera na na-in love sa isang mayaman.

Nang tanungin siya kung bakit parang mas patok siya sa Only You kesa sa Lobo, sinabi niya na sawa na ang mga manonood sa mga ser­yosong panoorin.

“May kinalaman siguro ito sa takbo ng buhay natin ngayon na masyadong maproblema. Gusto nila yung mga light stories lang, yung maaaliw sila. Ma­hi­lig ding kumain ang mga Pinoy, gusto nila yung mga niluluto namin sa show. Yung ta­langkanin nga at lumpianisa, ang dami nang gu­maya at sinasabi nila na nasarapan din sila,” pagmamalaki niya.

Sa ngayon, Only You muna ang pinag­ka­kaabalahan niya pero pagkatapos niya sa Korea­novela ay sasabak naman siya sa pelikula, may nakatakda siyang gawin kasama si Aga Muhlach at Chito Roño.

***

Magsasagawa ng isang medical mission ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa paki­kipagtulungan ng UNTV 37 at ni Daniel Razon, sa mga residente ng Payatas, QC sa Linggo, Hul­yo 12, 10 a.m. at 5 p.m.

Inaasahang dadalo sa medical mission at charity show ang ilang mala­laking artista, sa pangunguna ng mismong bise alkalde ng QC na si Herbert Bautista, Councilor Aiko Melendez at Keempee de Leon.

Ang medical mission ay extension ng programa ni Kuya Daniel sa telebisyon at para sa mga taga-entertainment industry kung saan may ini­hahandang health subsidy program para sa lahat ng local entertainment press, kasama na ang PMPC na nasa pamumuno ngayon ni Roldan F. Castro.

Ang concern na ito ng mabait na broadcaster ay nagsimula noong bago pa lamang siya sa kan­yang trabaho at nakakilala ng movie press.

Tinatawagan ang lahat ng residente ng Paya­tas, QC na makiisa, sumuporta at makibahagi sa mga serbisyong medical at makisaya sa ga­gawing palabas pagkatapos ng medical mission.

***

Hindi naman nagkamali si Richard Gomez na pagnasaan ang role na kanyang ginampanan sa Ben­te, isa sa mga serye ng pelikula na kasama sa Sine Direk at dinirek ni Mel Chionglo. Napa­ka­­­ganda ng kanyang role at masasabing worthy of an acting nomination sa kahit alin mang award-giving body.

Nag-premiere ang Bente nung Sunday evening at talaga namang pinuri ang pelikula na nagta­tam­pok din kina Sen. Jinggoy Estrada, Snooky Serna, Iza Calzado at marami pang iba.

Matatandaan na ang Bente ang pinakahuling natapos sa mga kasali sa Sine Direk dahil talagang hinanapan ito ni direk Mel ng mga artista na ba­ba­gay sa mga characters nila at hinintay ang avai­la­b­ility nila. Sulit naman ang ipinaghintay ng direktor.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AIKO MELENDEZ

ANGEL LOCSIN

CHITO RO

DANIEL RAZON

HERBERT BAUTISTA

ONLY YOU

SHY

SINE DIREK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with