^

PSN Showbiz

Kahit emosyonal, Katrina nakuha pang mag-TY sa sponsors

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi ko nasimulan ang panonood sa interbyu nina DJ Mo Twister at Raymond Gutierrez kay Dr. Vicki Belo sa Showbiz Central noong Linggo.

Kasi naman, nalibang ako sa panonood sa interbyu kay Angel Locsin tungkol sa pagpunta niya sa Mindanao. Naiyak-iyak ako sa kuwento ni Angel na gusto ng mga bagets sa Mindanao na maging rebelde kapag lumaki na sila dahil sa kahirapan.

Bumilib ako kay Angel dahil bumiyahe siya sa Mindanao para mamigay ng mga pagkain, ’itsurang marami ang umaawat sa kanya.

***

Hindi ko rin napanood ang cry-me-a-river portion ni Katrina Halili sa Showbiz Central dahil nagsimba na ako.

Nabalitaan ko na lang ang mga eksena at ang pag-iyak-iyak niya. Naloka lang ako sa kuwento na kahit nag-i-emote, nagawa pa ni Katrina na pasalamatan ang kanyang mga sponsors.

***

Congrats nga pala sa reporter ng Cebu na nakausap ni Katrina at nagpadala kay Mama Salve ng kopya ng kanyang interbyu.

Detalyado ang kuwento as in walang labis, walang kulang. Pati ang mga nakakalokang eksena, ikinuwento ng reporter.

Noon ko pa alam na magkakaroon si Katrina ng show sa Cebu City dahil nagkasama kami ni Rose Gaisano nang magpunta ako doon. Si Mama Rose ang nag-imbita kay Katrina para sa free show ng Gaisano Country Mall.

***

Umalis na ang nanay ni Yasmien Kurdi noong Sabado. Lumipad na siya sa Los Angeles para makiramay sa mga naulila ni Michael Jackson.

Fan na fan ni Michael ang madir ni Yasmien. Hindi na raw niya mapapalampas ang pagkakataon na ma-sight ang kanyang namayapang idolo.

Good luck ang pabaon ko sa nanay ni Yasmien. I-wish natin na makita niya ang kanyang idol sa huling pagkakataon.

Libu-libong fans ni Michael ang nagpunta sa Los Angeles at magbabakasakali na masilayan ang natsuging singer.

Malay natin, baka matupad ang wish ng nanay ni Yasmien na hinayang na hinayang dahil hindi siya nagkaroon ng chance na mapanood ang mga concerts ni Michael noong alive and kicking pa ito.

***

Wala si Senator Jinggoy Estrada sa showing ng Bente dahil nagpunta siya sa London para sa isang importanteng misyon.

Pero bago umalis si Jinggoy, nagpunta siya sa press preview ng Bente sa Podium at dumalo pa siya sa presscon.

Nagtagal din si Jinggoy sa presscon kahit maaga ang oras ng kanyang biyahe papunta sa London.

Ang APT Entertainment ni Papa Tony Tuviera ang produ ng Bente. Ganyan katindi ang suporta ni Papa Tony sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Idea niya ang Sine Direk para makapanood naman ng matitinong pelikula ang ating mga kababayan. Mahuhusay ang mga direktor ng Sine Direk. So far, ang Ded na si Lolo ang pinaka-successful sa mga pelikula ng Sine Direk dahil pinilahan at pinag-usapan ang project ni Soxy Topacio.

Take note, ang Ded na si Lolo ang unang na-pirate sa mga pelikula ng Sine Direk dahil mabilis na kumalat ang balita na nakakaaliw ito.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CEBU CITY

DAHIL

LOS ANGELES

MINDANAO

SHOWBIZ CENTRAL

SINE DIREK

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with