^

PSN Showbiz

Dr. Hayden may collection ng sex videos?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ano ba, true kaya na may collection ng sex videos si Dr. Hayden Kho? Kaloka, kung meron, sinu-sino kaya ang mga partner niya?

Ayon sa balita, almost 50 videos pa meron ang nasabing doctor na inapela na ni Katrina Halili na tanggalan na ng lisensiya ng Professional Regulation Commission (PRC) kung saan siya (Katrina) personal na pumunta kahapon.

Kung true ito, grabe naman. Ibig sabihin lahat ng naging dyowa niya, kinunan niya ng video tuwing magmi-make love sila?

Heto pa ang kuwento ni Jerry O., nakatanggap pala ng nasabing video ang nanay ni Dr. Hayden last Mother’s Day. Yup, you read it right.

Imbes na regalo ng pagmamahal, regalo ng sama ng loob daw ang nakuha nito noong araw ng mga ina.

Wawa naman.

Anyway, matagal pa ang itatakbo ng kuwentong ito.

Marami na ang naki-ride at siguradong marami pang lalabas na kuwento.

* * *

Biglang naalala ni Erich Gonzales ang masakit na pagkawala ng kanyang ama last year sa presscon kahapon ng kanyang first starring role sa TV na Katorse. Nagulat pala siya dahil nalaman na lang niyang namatay na ang kanyang tatay. Fourteen years old siya nang una niyang makita na huli na rin pala. “Nagi-expect pa sana ako na magkikita kami,” sabi ni Erich habang umiiyak.

Nalaman niya lang sa e-mail na namatay pala ang kanyang tatay.

Pinaghihinalaan pala noon pa na NPA ang ama niya dahil hiwalay ito sa kanila at isang beses lang niya itong nakita.

Kaya nga hindi niya mapigilang maiyak nang maungkat ang tungkol sa kanyang tatay.

Anyway, next level na ang career ni Erich na sayang at hindi na naabutan ng kanyang tatay.

Dumating na ang pinakamalaking break ng Star Circle grand questor at Star Magic talent  matapos ang mahabang paghihintay. Gaganap si Erich sa isang lead role sa  Katorse, ang sexy drama series remake ng coming-of-age film ni Joey Gosiengfiao noong ’80s.

Sa ilalim ng direksyon ni Malu Sevilla, kasama ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner na si Ejay Falcon at model-athlete Xian Lim, bibigyang-buhay muli niya ang karakter ni Nene, isang katorse anyos na babaeng mapapagdaanan ang mga mahihirap na pagsubok sa buhay sa murang edad, na unang ginanapan ni Dina Bonnevie sa pelikula.

vuukle comment

DINA BONNEVIE

DR. HAYDEN

DR. HAYDEN KHO

EJAY FALCON

ERICH

ERICH GONZALES

JERRY O

JOEY GOSIENGFIAO

KATORSE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with