^

PSN Showbiz

Melissa wala pang karanasan sa lalaki

-

Hangang-hanga kay Richard Gutierrez ang mga nakakakita na kanyang gamit ang bagong Nissan sports car na birthday gift nito sa sarili. Gamit ng actor ang sasakyan nang mag-dubbing siya ng When I Met U nila ni KC Concepcion, kaya bukod sa kaguwapuhan, ang bagong sasakyan ang pinagtinginan ng tao.

Samantala, nagkahawaan ng sakit sina Richard dahil nang kunan ang kissing scene sila noong January 27, ang actor lang ang may sakit. Nagdasal nga ang staff na sana’y ’di mahawa si KC, pero two days after, ito naman ang may sakit. Noong Thursday, hindi ito nakapag-dubbing at sa bahay lang siya dahil malaki ang boses. Kahapon, bumuti-buti na ang lagay at nag-taping sa Mel & Joey.

Tiniyak ng Regal at GMA Films na magugustuhan ng mga fans ng dalawa ang movie na showing na sa February 11. Ang ganda ng ending na bawal sabihin, basta watch kayo sa showing nito.

* * *

NBSB o No Boyfriend Since Birth pala itong si Melissa Ricks dahil wala pa rin siyang boyfriend kahit 19 years old na siya. Ang birong birthday wish nito sa nakaraan niyang birthday ay makakita na ng guy na magmamahal sa kanya, pero ang totoong wish ay makapag-bakasyon sa Malaysia with her friends. Malabo lang itong mangyari dahil busy din ang friends niyang sina Kim Chiu, Kitkat at Erich Gonzales.

Crush ni Melissa si Jon Avila at kung puwedeng manligaw ang babae, si Jon ang liligawan niya dahil mabait at guwapo. Inamin naman nitong nanligaw sa kanya si Jason Abalos na kanyang binasted dahil focused daw siya sa career.

Sunod na mapapanood si Melissa sa TV remake ng Underage na ilalagay sa time slot ng Your Song at kasama niya sina Empress Shuck, Lauren Young, AJ Perez, Matt Evans at Rafael Rosell. Pino-problema na nito ang eksenang magsu-swimsuit siya, pero gagawin pa rin niya.

* * *

Pinanood ni Mark Herras sa DVD ang pelikulang Paano Ba ang Mangarap para may background sa role na gagampanan. Isang challenge sa kanya ang role ni Christopher de Leon na natoka sa kanya at very proud na nagawa ng tama ang mga eksena niya.

Kinailangang magpalaki ng katawan ni Mark para sa show dahil may mga eksena siyang nagsu-swimming at ayaw niyang mapahiya at pagtawanan. Wala pa raw siyang abs at maliit pa rin ang mga binti niya, pero may konti ng improvement sa katawan.

Hindi na itinanggi ni Mark na nagkaroon sila ng relasyon ni Rhian Ramos nang gawin ang Italy, pero hindi sila umabot ng four months. Nag-break sila dahil ipinareha ang actress kay JC de Vera sa Lalola at ayaw niyang makasira sa loveteam ng dalawa.

“Oo” ang sagot ni Mark sa tanong namin kung totoong sa text lang sila nag-break ni Rhian. “Hindi rin naman kami officially on, wala nga kaming anniver­sary date. Importante lang ang date ’pag solid ang relasyon ninyo, ’di kami solid,” walang gana na sabi ni Mark.

* * *

Natupad sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang ang matagal ng dream ni Angelu de Leon na makapareha si Dingdong Dantes dahil role ng girlfriend ng actor ang role niya sa soap at marami silang confrontation scenes ni Marian Rivera.

“Sobra akong kamumuhian ng mga fans ng dalawa rito at puwede akong magkaroon ng death threats. Hindi ako puwedeng labas nang labas habang umeere ito. May kissing scene rin kami ni Dingdong, pero hindi kasing rami ng kissing scene nila ni Marian,” kwento ni Angelu sa role niya.

Balik-GMA 7 dito si Angelu na ang last series pa ay Te Amo at lumipat na sa ABS-CBN. Wala siyang exclusive contract sa two networks, puwede pa rin siya sa kabila, pero after na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.

* * *

Sa Kakasa Ka Ba sa Grade 5?, nagbabalik sa show si Dondi Alentajan na copy na lang ang natitirang cheat at hirap na hirap sa tanong tungkol sa Sibika at Kultura. Makarating kaya siya sa one-million peso question o sa kangkungan pulutin?

Every Saturday ang game show sa Siete. (Nitz Miralles)

vuukle comment

AKING TADYANG

ANG BABAENG HINUGOT

ANGELU

DAHIL

DINGDONG DANTES

DONDI ALENTAJAN

EMPRESS SHUCK

ERICH GONZALES

EVERY SATURDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with