^

PSN Showbiz

Angel Locsin nangangailangan ng dugo

-

Ang bongga ng mga lamok ngayon na may dalang dengue. Naamoy nila ang mga artista at kinakagat. Pinakabagong biktima ng mga salbaheng lamok si Angel Locsin na ngayon ay nanganga­ilangan ng dugo, type B. Kasalukuyan siyang nasa St. Lukes at bumaba ang platelets niya sa 54 thousand.

Hindi pa natatagalan nang yariin din ng mga lamok na tumitira sa mga kadiring lugar si Pauleen Luna. Nangayayat siya dahil ilang araw din siyang na-confine at sinalinan ng dugo.

Bago si Pauleen, nadale rin si Bianca King.

Ang husay ng mga lamok na ito. Mga flawless ang binibiktima.

Ang nakakataka lang, sa mga lugar na pang-ma­yaman lang naman nagpu­punta ang mga artista, maliban lang kung may shooting sila sa mga kadiring lugar, saka lang sila pupunta dun. Pero siyempre, nililinisan naman yun, bago sila mag-shooting o taping.

Oh My God (OMG), nakaka-afraid na ang paligid. Hindi mo na alam kung saan pupuwesto. Hindi birong magka-dengue.

* * *

May bagong sistema na pala ngayon pag nag-imbita ka ng artista. Hindi na raw basta puwedeng kunan ng picture ang mga artista kahit major sponsor ang isang produkto sa isang event. Wala raw kasi sa contract kaya hindi puwedeng kunan ng pictures. ‘Yan ang naging kapalaran ng isang malaking kumpanya na nag-sponsor sa isang concert.

In return, gusto sanang magpa-press release ng nag-sponsor, pero hindi nga puwede kaya nagkasya na lang sila sa poster ng concert.

* * *

Mula sa pagiging aspiring comedienne hanggang sa maging actress, sumabak na rin sa mundo ng recording si Pokwang sa ilalim ng Star Records na may album title na Pokwang… Ang Album Na May Puso.

Matapos niyang dalhin ang kanyang brand of wit and humor sa telebisyon, sa entablado at sa pelikula, sa pamamagitan naman ng kanyang kauna-unahang album niya kayo pahahalakhakin.

Ibinahagi ni Pokwang na pangarap pala talaga niyang maging isang singer. “Dream ko talagang magkaroon ng album. Tuwing nakikita ko sina Nixon Sy at Annabelle Regalado-Borja (from Star Records) kahit saang parte ng ABS-CBN bigla akong nagbo-vocalization sa harap nila kaya naloloka sila,” sabi ng komedyante na aware kaya na gradually ay nag-iiba na ng image si AiAi delas Alas para raw hindi na niya makopya?

 Anyway, pinagmamalaki niya ang kanyang album. “Dito sa album ko may six songs. Maiiyak kayo sa kakatawa sa album na ‘to, pam­patanggal ng stress. Meron akong love song na talagang nakaka-in love dahil super serious ng title, Sana Kunin Ka Na Ni Lord. Meron ding Tagalog version ng When You Tell Me That You Love Me. May mga novelty songs din na danceable like ‘yung Gaya Gaya Puto Maya, Bratatat at ‘yung Bahoo.”

Ilan sa mga composer sina Christian Martinez at Lito Camo.

Alam ni Pokwang, hindi niya kayang pantayan ang ilan sa mga magagaling na singers ng bansa kaya naman nabanggit niya na “Hindi man ako kasing husay ni Sarah Geronimo, pero kung ano ‘yung taas ng boses nila, ganun kataas ang pangarap ko na makapagpasaya ng mga tao sa album na ‘to. Sa mga kanta dito sa album, nagseseryoso ako na parang Aegis. Pero kapag pinakinggan mo at dinama mo ‘yung lyrics, maloloka ka ng bonggang-bongga.”

* * *

Hmmm, parang lalong maraming turned-off ngayon kay Katrina Halili dahil mismong sa bibig na ni Dra. Vicki Belo nanggaling ang kumpirmasyon na hurt siya dahil ang kino-consider niyang no. 1 endorser ng kanyang clinic at baby-baby ay nagka-affair sa kanyang dating mahal na si Dr. Hayden.

Noon kasi, kahit inamin nina Hayden at Katrina, siyempre, hinihintay pa rin ng marami na magsalita si Dra. Belo para i-confirm ang naging relasyon ng dalawa. Ayun na, nagsalita na siya kahapon sa Startalk kaya malamang na matapos na ang issue at mas makaapekto sa reputasyon ng sexy star.

* * *

Nakakaaliw din panoorin si Robin Padilla dahil parang hirap na hirap siyang sabihin ang pangalang BB (pangalan ngayon ni Rustom). Para ngang nahihiya siyang banggitin sa interview ng Startalk. Mas vocal ang kapatid nilang si Rommel sa nararamdaman ng pamilya sa pagba­bagong anyo ni Rustom. Pero ang ayaw ni Rommel, ang sinabi ni BB na patay na si Rustom. Pakiramdam ni Rommel, bad vibes ang pagsasabi ni BB nun. At pinababawi kay Rustom, este BB pala.

vuukle comment

ALBUM

ANG ALBUM NA MAY PUSO

PERO

POKWANG

ROMMEL

RUSTOM

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with