^

PSN Showbiz

Pagmamahal sa buhay panimulang episode ng TRLE

-

Ang episode na Of Vows, Views, and Victories ang panimulang handog ng The Ricky Lo Exclusives ngayong Martes (January 6) sa QTV 11, 8:30 p.m. Ipapakita dito ang koleksiyon ng mga naunang kwento ng pagpapahalaga sa buhay.

Mahirap pantayan ang ipinakitang pagmahahal ni Lorna Tolentino sa buhay ng kanyang kabiyak, ang yumaong si Rudy Fernandez, at ang pag-aaruga ngayon sa mga naiwang mga anak na sina Raphe at Renz.

Magsasalita ang nagkahiwalay na mag-asawang Aiko Melendez at Martin Jickain kung bakit sa tingin nila ay pumalya ang kanilang pagsasama. Sa kabaliktaran nila ay ang showbiz couple na sina Sen. Bong Revilla at Lani Mer­cado na masasabing most enduring couple na kabi-kabila ang sinasapit na intriga. At sina Kris Aquino at James Yap naman ay pabubulaanan ng harapan ang nabalitang separasyon nila.

Iba naman si Miss Universe Gloria Diaz, itinuturo niya sa anak na si Isabel na ang bawat sandali ng buhay ay dapat namnamin, kahit pa may mapapait na ka­ra­nasang madaanan.

Abangan ang mga istorya ng buhay sa pag-gabay ng entertainment editor-host na si Ricky Lo.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

BONG REVILLA

JAMES YAP

KRIS AQUINO

LANI MER

LORNA TOLENTINO

MARTIN JICKAIN

MISS UNIVERSE GLORIA DIAZ

RICKY LO

RICKY LO EXCLUSIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with