^

PSN Showbiz

Pagdi-deny ni Katrina expected

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang sabi sa akin ni Katrina Halili, endorser pa rin siya ng Belo Medical Group itsurang siya ang pinagbibintangan na dahilan ng paghihiwalay nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Hindi ko pa nakakausap si Dra. Belo dahil hiber­nating ito. Kung anuman ang sasabihin ni Dra. Belo tungkol sa statement ni Katrina, siya ang mas panini­wa­laan ko. Si Dra. Belo ang tanging makapag­papasya kung patuloy ang pagiging endorser ni Katrina.

* * *

Idinenay ni Katrina na nagkaroon sila ng relasyon ni Hayden. Hindi ko na kinulit o pinilit si Katrina nang umapir siya sa Startalk noong Sabado.

Expected na ang kanyang pagdi-deny. Walang babae na aamin na third party sila sa isang masayang relasyon.

Masisira ang career ni Katrina kung aamin siya. Hindi maganda ang magkaroon ng image na wrecker.

Ang sey ni Katrina, nag-usap na sila ni Mama Vicki pero hindi niya ikinuwento ang kanilang mga napag-usapan. Lalo akong naintriga. Nagkaroon ba ng sumba­tan o parang eksena sa pelikula ang nangyari as in kalmante sila na nag-usap? May nag-dialogue kaya ng “Una siyang naging akin?”

* * *

Absent si Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central kahapon. Nagpunta na yata si Rufa Mae sa ibang bansa.

Nakaligtas si Rufa Mae sa pagsagot sa tanong sa kanya kung true na na-link din siya kay Hayden.

Natatandaan ko na tinutukso ni DJ Mo sina Rufa Mae at Hayden. On-cam ang kanyang panunukso. May alam kaya si DJ Mo? Ano sa tingin Mo?

* * *

Isang mas matindi at malaking showbiz scandal ang puwedeng maka-eclipse sa isyu ng break-up nina Mama Vicki at Hayden.

Eh wala pang showbiz issue na matindi. Puro tungkol sa mga pelikula na ka-join sa MMFF ang pinag-uusapan.

Saka, naka-divert sa iba ang atensyon ng madlang-people. Naka-focus sila sa Christmas shopping. Wala silang time para maki-emote sa mga showbiz scandal.

* * *

Nagpunta ako sa Christmas party ng mga empleyado ni Jenny Napoles, ang businesswoman na friend ko.

Hulaan ninyo kung saan ginanap ang Christmas party noong Sabado? Sa Heritage Park dahil dito nakalibing ang loving mother ni Mama Jenny.

Isinabay ni Mama Jenny ang Christmas party ng kompanya niya sa birthday ng kanyang ina.

Malapit lang ang puntod ng nanay ni Mama Jenny sa libingan ni Rudy Fernandez kaya dumalaw ako sa puntod ni Daboy, kahit gabi na.

Inumpisahan na ang construction ng musoleo ni Daboy. Nakatayo na ang mga poste at sa tingin ko, maganda ang musoleo na ipinagagawa ni Lorna Tolentino para kay Daboy.

Siyempre, nag-Merry Christmas ako kay Daboy. I’m sure, masaya siya sa kanyang kinaroroonan at magiging masaya ang kanyang Pasko sa piling ni Lord.

vuukle comment

BELO

BELO MEDICAL GROUP

DABOY

DRA

HAYDEN

HAYDEN KHO

MAMA JENNY

MAMA VICKI

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with