^

PSN Showbiz

Bad ang press - Alessandra; Piolo naghubad sa magasin

- SEEN SCENE -

SEEN : Nainis ang mga reporter na dumalo sa presscon ng One Night Only dahil sa mga non-sense na sagot ng mga artista sa kanilang mga tanong. Nainis din ang mga artista. Nagsalita si Katrina Halili na hindi kasagot-sagot ang tanong ng mga reporter.

SCENE : Bad ang press ang sabi ni Alessandra de Rossi. Bad din ang kanyang attitude. Wala sa lugar ang kanyang pagiging loud. Pinaglalaruan niya ang mga reporter. Hindi siya nakakatawa.

SEEN : Pinagdududahan ni Chris Cartagenas ang pagkalalake ni Rob Sy. Ibinulgar niya na iba ang kanyang naging pakiramdam nang halikan siya ni Rob nang magkasama sila sa Survivor Philippines. Patay-malisya si Rob sa isiniwalat ni Chris sa live at last telecast ng Survivor Philippines.

SCENE : Kanya-kanya ng paggunita ang mga dating kaibigan ni Didith Reyes sa mga kabutihan nito noong kasikatan niya. Mga kaibigan na hindi naalaala si Didith noong dumaranas ito ng sobrang kahirapan.

SEEN : Si LJ Reyes sa burol ni Marky Cielo sa Mountain Province noong Biyernes. Hindi pa nag­sa­salita si LJ sa tunay na relasyon nila ni Marky.

SCENE : Ang chicken ham business ang pinag­kaka­abalahan ni Rosanna Roces. Siya ang nagluluto ng chicken ham at personal na nagbebenta sa kan­yang mga kakilala. Humbling experience ang nang­yayari ngayon kay Rosanna.

SEEN : Magandang-maganda si Mariel Rod­riguez sa December 2008 issue ng FHM. Ibang-iba ang itsura niya sa personal. Ang nagagawa ng magic na make-up.

SCENE : Sold-out ang December 2008-January 2009 edition ng Metro magazine. Si Piolo Pascual ang cover boy ng Metro Magazine. Hubad siya at ang ibang mga male celebrity sa mga litrato na inilabas ng Metro.

vuukle comment

CHRIS CARTAGENAS

DIDITH REYES

KATRINA HALILI

MARIEL ROD

MARKY CIELO

METRO MAGAZINE

MOUNTAIN PROVINCE

NAINIS

SURVIVOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with