^

PSN Showbiz

Kakanta sana sa laban nina Pacman at Dela Hoya Karylle nag-back out!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi na nakapag-report sa Eat Bulaga si Pauleen Luna noong Miyerkules dahil nga sa nangyari sa kanyang lola na pinatay ng holdaper.

Nag-stay si Pauleen at ang kanyang ina sa bahay ng lola niya para ayusin ang mga gamit ng nasawi.

Lalong naging maingat ang pamilya ni Pauleen dahil sa nangyari sa kanyang lola. Hindi sila kumu­kuha ng family driver kaya ang nanay ni Pauleen ang nagmamaneho ng sasakyan kapag may lakad siya.

Tinawagan ako ng reporter ng dzBB noong Miyerkules. Humihingi siya ng permiso na mainterbyu si Pauleen tungkol sa nangyari kay Mrs. Jimenez. Iyak nang iyak si Pauleen dahil mahal na mahal niya ang kanyang lola.

* * *

Bumilib ako kay John McCain dahil nag-concede agad siya nang makita niya na malaki ang lamang ng mga boto kay Barack Obama. Iba talaga ang mga Amerikano. Madali silang tumanggap ng pag­katalo.

Ibang-iba ang eleksyon sa US at sa Pilipinas. Kung sa atin nangyari ‘yon, makikipag-away muna ang mga talunan, magde-demand ng recou nt at magrerek­lamo na dinaya sila!

Tanggap na tanggap ng mga Amerikano na si Papa Barack na ang kanilang bagong presidente. Isa lang ang hindi nila matanggap, ang red and black dress na suot ni Mama Michelle Obama. Nilalait nila ang damit. Baduy daw ang dyowa ni Papa Barack. Kahit ano pa ang kanilang sabihin, wala na silang magagawa. Si Michelle na ang bagong First Lady!

* * *

Naka-confine pa rin si Eddie Gutierrez sa St. Luke’s Hospital pero maayos na ang kanyang kalagayan.

Sumailalim si Eddie sa angioplasty procedure dahil may bara ang ugat sa kanyang puso.

Good as new na uli ang puso ni Eddie dahil pang­ka­raniwan nang ginagawa ang angioplasty procedure sa ating bansa.

Hindi pa nagpapainterbyu si Annabelle Rama tungkol sa operasyon sa kanyang asawa. Knowing Annabelle, hindi siya umalis sa tabi ni Eddie. Ganyan kamahal ni Bisaya ang kanyang mister.

Kasama si Eddie  sa cast ng Luna Mystica. Nag-umpisa na ang taping ng bagong telefantasya ng Kapuso network. Hindi pa tiyak kung kailan papa­yagan si Eddie ng kanyang mga doktor para mag-taping. Kailangan niyang magpahinga muna.

Nagpapasalamat ang Gutierrez family sa lahat ng mga nagdasal para sa kaligtasan ni Eddie.

* * *

Hindi na si Karylle ang kakanta ng Philippine National Anthem sa laban nina Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya.

Nag-back out na raw si Karylle dahil sa mga personal na dahilan. Kahit hindi sabihin ni Karylle ang rason, may mga nagdududa na may kinalaman ang break-up nila ni Dingdong.

Nakuha ni Karylle ang aking paghanga dahil sa kuwento na nagpunta siya sa retreat nang maghi­walay sila ni Dingdong. Kung sa ibang babae nangyari ‘yon, baka nagluka-lukahan na sila at naglunoy sa depression. Kakaibang babae talaga si Karylle.

vuukle comment

AMERIKANO

ANNABELLE RAMA

BARACK OBAMA

DAHIL

EDDIE

KANYANG

KARYLLE

PAPA BARACK

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with