^

PSN Showbiz

Jericho'di pa nakaka-iskor kay Carmen Soo

- Veronica R. Samio -

Sa kauna-unahang collaboration ng Double Vision Malaysia at ng ABS-CBN, muling binalikan ni Jericho Rosales ang medium na nagpakilala sa kanya bilang isang mahusay na aktor, ang telebisyon.

 Sa maituturing na isa sa pinaka-malaking Asianovela, gagampanan niya ang character ng isang lalaking inihahanap ng hustisya ang kamatayan ng kanyang ama. Kapareha niya ang isa sa batang superstar ng Malaysian TV at kilalang modelo sa Asya, si Carmen Soo.

Hinahanap naman ng character nito ang matagal nang nawawala niyang ama. Gagampanan ng dalawa ang star-crossed lovers na hahamon sa magkaiba nilang kultura at ang malawak nilang pagkakaiba.

Pinaghalong Ingles at Tagalog ang dialogue ng Kahit Isang Saglit na unang dinirek ni Manong Gilbert Perez bago ito binawian ng buhay. Ipinag­pa­tuloy na lamang ito ngayon ni Direk Jerry Sine­neng. Ang titulo nito ay titulo ng unang pelikula na ginawa ng namayapang direktor.

Isang taon ding nawala sa pag-arte si Jericho nang maisip nitong bigyan ng konsentrasyon ang kanyang pagkanta.

“Tumigil lang ako sandali para mag-grow as a person. Ngayon bumabalik ako at sa palagay ko ay mature na ng konti,” pagbibiro nito.

Malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang Kahit Isang Saglit pero hanggang ngayon, wala pang kinukunan na kahit isang kissing scene sina Jericho at Carmen.

Marami kasing limitasyon sa mga Malaysians pero sa ikagaganda ng kanilang mga project, open sila sa maraming adjustments, tulad nang ginagawa ni Carmen. Tatlong buwan na itong nasa bansa para sa nasabing teleserye pero kapag wala itong trabaho, nagsa-shopping ito, sumasama sa mga tours.

Nakakaintindi na rin ito ng Tagalog.

Bagama’t maituturing itong isang baguhan pero sikat na aktres sa kanyang bansa, meron itong dalawang TV shows doon at nakalabas na sa mga Malay at Cantonese movies.

Kasama sa Kahit Isang Saglit ang ilang multi-awarded artists tulad nina Christoper de Leon, Albert Mar­tinez, Cristine Reyes, Dick Israel, Malou de Guzman, Isabel Rivas, Wilma Doesnt, Empoy at ang mga Malaysian stars na sina Louisa Chong, Soosan Hoh at Awal Ashari. Palabas na sa buwang ito sa ABS-CBN Primetime Bida.

* * *

Abangan sa Show­biz Central ngayong hapon ang identity ng sikat na TV host na may anak na may malubhang karamdaman.

Si Katrina Halili, may aaminin tungkol sa naging biyahe niya sa US. Ano kaya ito at bakit naman niya ibubulgar?

Alamin na lang sa showbiz program ng GMA 7.

vuukle comment

ALBERT MAR

AWAL ASHARI

CARMEN SOO

CRISTINE REYES

DICK ISRAEL

DIREK JERRY SINE

DOUBLE VISION MALAYSIA

ISABEL RIVAS

ISANG

KAHIT ISANG SAGLIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with