^

PSN Showbiz

Regine Matagal Pa  Ang Hihintayin, Ogie kaka-file lang ng annulment

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Archery ang kinahihiligan ni Marvin Agustin at seryoso siya na sumali sa 2012 Olympics na gaganapin sa London.

Palaging nagpa-practice ng pagpapana si Marvin. Dinadala niya ang kanyang pana sa set ng Gaano  Kadalas Ang Minsan. Ganyan siya kaseryoso sa sport na kinahihiligan niya.

Hindi masama ang mangarap. Malay natin, baka si Marvin ang mag-uwi ng gold medal sa archery kapag natuloy ang pagsali niya sa  London Olympics.

* * *

Lumabas din ang katotohanan. Noong Miyerkules lang nag-file ng annulment si Ogie Alcasid kaya hindi totoo ang balita na noon pa  niya ipinapa-annull ang kasal nila ni Michelle Van Eimeren.

Kapag napawalang-bisa na ang kasal nina Ogie at Michelle, puwedeng-puwede na silang magpakasal ni Regine Velasquez.

Boto si Michelle at ang mga anak nito kay Regine para maging second wife ni Ogie. Di ba’t si Michelle pa ang nagsabi noon na aawayin niya ang sinumang tao na mang-aapi kay Regine kaya napaiyak ito?

Maganda ang relasyon ni Regine sa ex-wife ni Ogie at sa mga anak nito.  Kasal na lang ang kulang sa kanila ni Ogie at mangyayari ito kapag pinaboran ng korte ang kanyang boyfriend.

* * *

Hindi ko type ang bagong ilong ng  aktres na mahilig magparetoke ng mukha. Mas maganda ang dating ilong ng aktres kaya hindi na siya dapat nagparetoke.

May mga tao yata na ginagawang libangan ang pagpapaayos ng mukha. Walang kaso kung magiging maganda sila. Ang kaso, nawawala ang kanilang likas na kagandahan dahil imbes na mag-improve, nagiging chaka ang face nila.

Nagmukhang matanda ang aktres na nagpapalit ng ilong. Hindi bagay sa shape ng kanyang mukha ang bagong ilong niya.

* * *

Iyak nang iyak si Iwa Moto nang dalawin niya sa isang kulungan sa Japan ang kanyang Japanese father na may sakit na nga, nakakulong pa.

Naging madrama ang pagtatagpo ng mag-ama na matagal na hindi nagkita. Apektadong-apektado si Iwa dahil hindi masaya ang pagtatagpo nila ng kanyang ama.

Ang makalaya sa kulungan ang ama ang ipinagdarasal ni Iwa. Hihingi siya ng tulong sa mga kinauukulan para mabigyan ng parole ang kanyang  tatay na may sakit.

* * *

Bukas na mag-uumpisa ang Bilib Ka Ba Nights ng GMA 7 at ang Ripley’s Believe It Or Not ang unang mapapanood.

Si Chris Tiu ang host ng Ripley’s Believe It Or Not. Ayaw ni Chris na mag-artista. Happy na siya na maging TV host. Dalawa na ang show niya sa GMA 7, ang Pinoy Records at Ripley’s Believe It Or Not.

Tuwing Martes naman ang World Records at si Paolo Contis ang host. Sina Maverick & Ariel ang mga host ng Masquerade na mapapanood tuwing Miyerkules. 

vuukle comment

BELIEVE IT OR NOT

CENTER

MICHELLE

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with