Cogie ’di makabalik sa showbiz dahil sa katabaan
Mataba pala si Cogie Domingo kaya hindi siya makabalik-balik pa ng showbiz.
Pinayuhan na nga raw ito ng manager niyang si Joji Dingcong na magpapayat para naman mabigyan na siya ng project ng GMA 7 na naghihintay lang sa kanyang pagbalik.
Sayang si Cogie. Magaling pa naman siyang artista.
* * *
Ka-level na ngayon nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, and Lucy Torres-Gomez si Sarah Geronimo – bilang endorser ng Belo Essentials ng Belo Medical Group.
Pero pa-humble rin si Sarah pag sinasabi iyon sa kanya. Hindi raw totoo, sabay tawa na parang bata pa rin.
Nang i-launch kasi ang Belo Essentials last year, ang tatlo ang naging endorser. Sa talent fee kaya, pare-pareho rin sila ng halaga?
Panahon talaga ni Sarah. Kabila-kabila ang mga endorsements niya na in fairness, ang lalaki ng billboards.
Actually, nasa
Dito pa lang sa endorsement sa Belo, ang laking project na para sa kanya, meron pa siyang Jollibee, Bench, Cebuana Lhuillier at marami pang iba. Nag-start na rin siyang mag-shooting ng movie with John Lloyd Cruz na matagal-tagal din naudlot dahil sa kanyang hectic schedule.
At para nga lang daw matuloy ang nasabing launching movie, maraming shows ang tinanggihan ni Sarah.
“Na-excite po ako nang malaman kong mag-i-start na ang shooting ng pelikula namin ni John Lloyd. Matagal ko pong hinintay ang pelikulang ito,” masayang sabi ni Sarah na obvious na excited sa ka-partner.
Si direk Kathy Molina ang nagha-handle ng pelikula na pina-finalize pa ang title.
Bukod sa pelikula, nakipag-duet din si Sarah sa Backstreet Boys member na si Howie Dorough sa
Kadarating lang ni Sarah kasama ang iba pang Champions from US and
Dami rin niyang awards ha!
“Sunud-sunod po ang mga blessings ko. Sobrang thankful and grateful ako sa mga nangyayari sa career ko,” sabi ni Sarah na tapos na ang bahay nilang ipinatayo para sa kanyang buong pamilya. Dream house niya ito mula sa kanyang kita.
Pinag-ipunan niya ang nasabing bahay. Kaya lahat ng makakita ay napapa-wow dahil iilan nga naman ang tulad niyang bagets na mas priority ang pamilya kesa mag-shopping o sundin ang luho para sa sarili.
“Mabait na bata talaga iyang si Sarah. Siya pa mismo ang nagbo-volunteer na ayaw niyang gumastos kung saan-saan lang na luho,” sabi ng isang malapit sa singer/actress.
* * *
Nakakatakot na ngayong magsulat ng mga alaga ng Star Magic, talent arm ng ABS-CBN lalo na kung negative, na hindi naman maiwasan, dahil hindi naman sa lahat ng oras ay dapat positibo. Parang biglang naging malakas ang dating ng statement nila. Medyo nakakaalarma dahil may posibilidad na ma-The Buzz ka. Last Sunday grabe ang statement nila against Tito Alfie Lorenzo and Dolly Ann Carvajal.
Nag-start ang issue sa statement ni Tito Alfie sa Startalk tungkol kay Claudine Barretto, ABS-CBN and DZMM.
Tinawag nilang “bitter old man posing as showbiz journalist” ang manager ni Judy Ann Santos.
’Wag na rin
Tama na
Mas hindi malilimutan ng tao ang tungkol sa kuwento kung tuloy ang issue sa mga shows nila at kung magpapatuloy sa pagpapa-interview sina Piolo and Sam.
Marami na ang natuwa at nagpasalamat sa ginawa nila at sigurado namang may naghihintay silang reward sa Panginoon sa kanilang ginawang pagpapatawad kina Tita Lolit at Tita Veronica Samio.
- Latest


















