^

PSN Showbiz

Ginagalis na aktres ayaw magpa-derma

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Totoo ang komento ng mga taga-showbiz na ang Valentine’s Day para sa mga artistang punumpuno ng trabaho ay parang isang ordinaryong araw na lang na hindi nangangailangan ng pagdiriwang.

Habang nagkakagulo ang mga kababayan natin sa pagbili ng bulaklak para ibigay sa mga taong espesyal para sa kanila ay hayun naman ang mga artista, abala pa rin sa kanilang mga trabaho, parang balewala lang ang Valentine’s Day para sa kanila.

Si Korina Sanchez na lang, umagang-umaga pa lang ay nasa DZMM na siya, umere na agad sila dahil ito ang mga panahong kailangang-kailangan sila sa himpapawid dahil sa mga kaganapan sa ating kapaligiran.

Pagkatapos nun ay nag-interbyu naman sila ng kanyang staff sa Rated K, ipunan ng materyales ang mga ganung araw, kaya paano nga ba naman nila ipagdiriwang ni Senador Mar Roxas ang Araw Ng Mga Puso?

“Parang wala lang, trabaho pa rin ako, sanay na akong lumilipas ang mga okasyon na hindi ko na naise-celebrate. Kapag nasanay ka na, wala ka nang hahanapin pa.

“Pero wala akong reklamo, mas mahirap yung wala kang trabaho, nakakainip ang ganun, parang ang haba-haba ng mag-hapon dahil wala kang ginagawa,” katwiran ni Ateng Koring nung magkakuwentuhan kami sa lobby ng ABS-CBN.

Kunsabagay, kahit naman masyado silang abala ng senador ay naipararamdam pa rin nila ang kanilang pagmamahal sa isa-t isa, kapag may bakanteng oras sila ay nakakapag-dinner pa rin sila sa labas nang walang preparasyon, bitin nga lang ang kanilang oras, dahil meron pa siyang Bandila na kailangan niyang balikan sa network.

Nakikita namin kung gaano kasipag si Korina Sanchez, halos wala na siyang libreng oras dahil sa dami ng kanyang trabaho, pero kapag napanood mo na siya sa kanyang mga programa ay parang sariwang-sariwa pa rin ang kanyang dating.

Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

* * *

Pinayuhan na pala noon ng isang premyadong aktres ang isang baguhang personalidad na bumisita siya sa isang dermatologist, pero hindi nakinig ang female personality, ang akala siguro niya ay mababaw na payo lang ang tinanggap niya.

Matagal nang gustong prangkahin ng mga kasamahan niya ang baguhang persona­lidad, pero nahihiya lang ang mga ito, kaya ang premyadong aktres na ang nagpayo sa kanya.

Maganda naman ang pagkakasabi sa kanya ng premyadong aktres, “Iha, ang ganda-ganda mo, lumulutang ang ganda mo kahit wala kang make-up. But that’s not enough, kailangang lahat ng aspects ng katawan natin, binibigyan ng pag-aalaga.

“Ang mukha natin, ang balat natin, lahat-lahat, kailangang binibigyan natin ng time. Sa age kong ito, I still use lotions and moisturizer at umiinom pa ako ng vitamins para lang hindi ako mangulubot agad.

“Ikaw, bata ka pa, you better give yourself enough time, magpa-scrub ka palagi, para hindi ka masyadong naaapektuhan ng mga ilaw kapag nagtatrabaho ka, ‘ganun kaganda ang paraan ng pagpapayo sa kanya ng premyadong aktres.

Pero wala pa rin siyang pakialam, hindi siya nakinig sa premyadong aktres, feeling siguro niya ay napakakinis niya.

Sabi ng aming source, “Hindi siya tinablan dun sa payo sa kanya, ang gusto siguro niya, e, yung diretsong pamimintas, para lang malaman niya na kailangan talaga niyang makipagkita sa isang derma.

“Baka ang gusto niyang marinig, e, ang itim-itim ng kilikili niya at nangungulubot ang mapekas niyang balat, para matuluyan na siyang makipagkita sa derma niya!” mataray na sabi ng aming impormante.

Kapag nakikita namin nang malapitan ang baguhang personalidad ay nababagabag din kami sa karumihan ng kanyang balat, kung itatabi siya sa makikinis nating artista ay magmimistula siyang nunal, dahil bukod sa may kaitiman na siya ay talagang nangangailangan pa ng masusing pagkayod ang kanyang balat.

Sana’y makinig sa mga payo sa kanya ang baguhang female personality na ito, hindi sapat ang magandang mukha lang, kailangang ternuhan din yun ng kutis na hindi man kakinisan ay hindi naman mukhang marumi.

vuukle comment

ARAW NG MGA PUSO

LANG

NIYA

PARA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with