^

PSN Showbiz

Tungkol kay Kris :Boy at Cristy, bawal magpa-interview

-
Hindi lang ang The Buzz at Pilipinas Game KNB? ang apektado sa doctor’s order kay Kris Aquino na mag-bed rest hanggang makapanganak. Pati ang isu-shoot na TV commercial ng bago niyang endorsement ay ‘di matuluy-tuloy dahil sa pagkaka-ospital.

Nakahanda na ang lahat at availability na lang ni Kris ang hinihintay at sa nangyari sa kanya, baka hintayin na lang na siya’y makapanganak. Binanggit sa amin ang produkto, pero bawal isulat, basta health product at bagay na bagay sa TV host-actress.

Incidentally, how true na may memo ang The Buzz kina Boy Abunda at Cristy Fermin at pinagbabawalan silang magpa-interview sa TV? Puwede lang daw interbyuhin ang dalawa kung sa print lalabas. Para saan kaya ang memo?
* * *
Si Cacai Velasquez-Mitra na pala ang manager ni Kyla since January this year. Nalaman namin ang tungkol dito nang ma-interview namin ang dalaga sa breaktime ng taping ng Popstar Kids. Nasusunod naman daw ng sister ni Regine Velasquez ang ipinangakong bibigyan siya ng maraming shows dahil sunud-sunod nga ang kanyang show.

Second year na ring host ng Popstar Kids si Kyla at tuwang-tuwa ito sa grupo ng Sugarpop na galing sa kiddie singing search. May kakaibang blending daw ang mga bagets, nÿever nawala sa tono at higit sa lahat, nakikipag-biritan kina Regine at Jaya.

Inihahanda na ang bagong album ni Kyla under EMI-Philippines, pero sa ngayon, ang "Beatiful Days" album pa rin ang kanyang pino-promote. Ire-release ang fourth single niyang "I Wish You Love" na bagay sa magdyowa.

Speaking of dyowa, almost two years na ang relationship nila ni Rich Alvarez at going strong pa rin sila. Never daw silang nag-aaway at nagsusuportahan sa kanilang career. ‘Pag may time, nanonood siya ‘pag may laban ang basketball team nito at pinapanood din siya sa kanyang mga show ng boyfriend at pumapapel pang videographer.

Aliw dahil pinakiusapan ni Rich si Kyla na ‘wag sasabihin kung saan ang location nang ipinatayong bahay dahil nahihiya. Located ito sa isang gated and upscale subdivision sa Quezon City, pero ‘di pa raw sila magpapakasal.
* * *
Reminder sa fans ng Danger 8 ng StarStruck 4 The Next Level, ÿÿfinal day ngayon to campaign for votes, kaya magsipag at guÿmastos para makasama ang favorite ninyo sa Final 6. Mahaba pa ang oras ninyo’t 12 midnight pa magsasara ang pagboto.

Also, ang episode ngayon ay ‘di lang makaka-chat at makakausap ninyo ang favorite SS4 candidate ninyo, matatawag n’yo rin sila at Struckathon din ito. So, mahaba ang time ninyong makatsikahan sina Jewel Mische, Kris Bernal, Rich Asuncion, Stef Prescott, Aljur Abrenica, Paulo Avelino, Mart Escudero at Prince Stefan. –Nitz Miralles

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ARING

BEATIFUL DAYS

BOY ABUNDA

KYLA

POPSTAR KIDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with