^

PSN Showbiz

Marjorie, tatakbo sa posisyong iiwan ni Dennis

RATED A - Aster Amoyo -
Alam ba ninyo na ang screen name ng yumaong komedyante na si Dencio Padilla ay aksidente lamang? Prudencio Baldiviao ang tunay na pangalan ng ama nina Dennis at Gene Padilla. Dumaraan noon si Dencio sa labas ng Premiere Productionsd na naghahanap ng gaganap na back-up singers para sa pelikulang pinagbibidahan ng yumaong aktor na si Cesar Ramirez, ama ng aktor na si Ace Vergel. Nakiusyuso si Dencio at isa siya sa 20 natanggap.

Nang kukunin na niya ang kanyang pay slip, walang tseke na nakapangalan sa kanya, Prudencio Baldivia, at sa halip ito’y nakapangalan kay Dencio Padilla. Pinangatawanan ni Dencio na sa kanya yung tseke at nagkamalik lamang ang nagsumite ng kanyang pangalan dahil sa halip na Prudencio Baldivia, ito’y naging Dencio Padilla. Magmula noon ay ginamit na ni Dencio ang screen name na Dencio Padilla na hanggang ngayon ay gamit-gamit din ong kanyang dalawang komedyanteng anak.

Speaking of Dennis Padilla, magkakaroon ito ng bagong TV show sa RPN-9 na ipu-produce ng lSolar Entert" ainment ni Wilson Tieng. Isa itong kakaibang dating game show na may nakakatawang- p

twist, ang Sabi ni Nanayi na matutunghayan na sa March 9.

Magtatapos na ang ikatlong termino ni Dennis bilang konsehal ng ika-2 distrito ng Caloocan hindi siya magsi-seek ng mas mataas na posisyon. Sa halip, ang kanyang misis na si Marjorie Barretto ang hahalili sa puwestong kanyang iiwanan at susuportahan na lamang daw niya ito. Tatayong campaign manager si Dennis ng Lakas-CMD (Christian-Muslim Democrats) ni rated Speaker Joe de Venecia.

Magku-concentrate si Dennis sa pagiging aktor. Gustong mag-aral nito ng film directing, editing sa Amerika. At maging director-editor balang araw.

vuukle comment

ACE VERGEL

CESAR RAMIREZ

CHRISTIAN-MUSLIM DEMOCRATS

DENCIO

DENCIO PADILLA

MARJORIE BARRETTO

PRUDENCIO BALDIVIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with