^

PSN Showbiz

Dating MYMP, ka-duet na ng kapatid!

-
Papasikat na noon ang MYMP nang lisanin ni Mike Manahan ang grupo. Kasama pa siya nang maging gold ang unang album ng MYMP under Ivory Music.

Hindi tinalikuran ni Michael ang pagkanta at nang mapanood namin siya ay kasama na niya ang kanyang kapatid na si Angelo who was part of the band called Shortcake. They are now the rockers to watch at nakikilala bilang Michaelangelo.

Last Sunday ay ini-launch ang kanilang debut album "Wish" na ang video ay madalas mapanood sa MYX. Lalong bumata at naging gwapo si Mike dahil short na ang kanyang hair. Sila ngayon ang bagong tinitilian ng mga kababaihan.

Nagbatian na ba sila ng MYMP? "Oo naman. Whatever happened ay tapos na po iyon, we have moved on."

Okay lang kung pagsamahin sila ni Juris bilang guest in a concert and possibly paawitin ng duet?

"Wala pong problema. It would be a pleasure," wika ni Mike.

Ang "Wish" ay katha ni Mike na pamangkin ni Mr. M. There was a time nga na pinasasali siya sa Star Circle pero he begged off. Another song na katha ni Mike ay ang "Abot Kamay". The rest ay pawang remakes tulad ng "50 Ways To Leave Your Lover", "Never Surrender", "Space Oddity", "Rainbow Connection" and many more.
* * *
Ang bahay na ipinagawa ni Judy Ann Santos sa Antipolo ay gift niya sa kanyang ina. Ito raw ang kanilang magiging resthouse na payapa at madaling puntahan.

Bukod sa napakaganda ni Juday ngayon ay super positive ang kanyang aura at always smiling. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Wala na daw siyang pwedeng mahiling pa kundi magtagal sana ang kanilang love story ni Ryan na panghabang panahon. – REMY UMEREZ

vuukle comment

ABOT KAMAY

IVORY MUSIC

JUDY ANN SANTOS

LAST SUNDAY

MIKE MANAHAN

MR. M

NEVER SURRENDER

RAINBOW CONNECTION

SPACE ODDITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with