^

PSN Showbiz

Pops, Jomari, bakit nali-link?

RATED A - Aster Amoyo -
Bibihira ang nakakaalam na ang dramatic actor na si Juan Rodrigo ay isa ring mahusay na singer kaya hindi kataka-taka na magkaroon ito ng album na pinamagatang "The Christmas Album" kung saan niya kasama  ang dalawa pang alaga ni Nelia Lim na sina Marri Nallos at Christian. Ang nasabing album ay prinudyos ng ADC Entertainment and Music Publishing with Nelia Lim at Raffa O. Amaranto bilang executive producers.

Bukod sa pagiging mahusay na aktor at mang-aawit ni Juan, abala rin ito bilang vice president for research and product development ng Natural & Organic Way (NOW).  Sa mga hindi nakakaalam, si  Juan ay dating product analyst ng Unilever bago siya pumasok ng showbiz. Nagtapos si JR (Juan) ng B.S. Chemisty.
* * *
Bakit kaya nali-link ngayon sina Pops Fernandez at Jomari Yllana?  Ayon sa balita, nakikita umano madalas na magkasama ang mga ex nina Martin Nievera at Aiko Melendez.

Sabagay, kung totoo man ang balita, wala naman sigurong masama dahil pareho namang single ngayon sina Pops at Jomari.
* * *
Dinala ni Michael V. ang kanyang pamilya - ang kanyang asawang si Carol at tatlong anak sa Amerika bilang advance Christmas gift niya sa kanila. First time din ito ni Michael na nadala ang kanyang pamilya sa Amerika. Dahil nauna nang dumating sa Amerika si Bitoy (Michael V.) bago pa man dumating doon ang Bubble Gang mates, hindi na siya nakasama sa pag-apply ng working visa kaya hindi siya nakasamang mag-perform sa L.A. at sa San Francisco pero dumalo pa rin siya sa dalawang show.

Speaking of Michael V., patuloy pa ring humahataw sa ratings ang kanyang mga programa sa telebisyon, ang Bitoy’s Funniest Videos na matutunghayan ngayong gabi pagkatapos ng Pinoy Pop Superstar, Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi at ang Eat Bulaga, ang pinakamatagal na noontime show sa telebisyon.
* * *
Nakapagsilang na si Sunshine Cruz ng kanilang pangatlong supling ng mister niyang si Cesar Montano nung nakaraang Huwebes, Dis. 1, 7:20NG via normal delivery sa St. Luke’s Hospital sa tulong ng kanyang OB-Gynecologist na si Dra. Concepcion Ilao-Oreta na siya ring nagpa-anak sa kanya sa dalawa niyang naunang baby.  Baby girl muli na pinangalanang Angel Francesca ang bagong silang na may timbang na 3066 grams at may haba na 48 cm. 

Wala sa tabi ni Sunshine ang kanyang mister na si Buboy (Cesar) dahil kasalukuyan pa itong nasa Los Angeles, California at pabalik ng December 6.  Ang alam ni Buboy ay sa December 6 pa nakatakdang magsilang si Sunshine pero ito’y napaaga ng limang araw. Nagi-guilty umano si Buboy na wala siya sa tabi ng kanyang misis.  Sa dalawa nilang naunang anak na sina Angelina Isabelle (4) at Samantha Angelene (1 year and 3 months), si Buboy parati ang nagpuputol ng umbilical cord ng mga bata.

Si Buboy ay nagtungo ng LA para sa kanyang Hollywood audition at sa kanyang pagbabalik ay haharapin naman nito ang bagong pelikulang sisimulan sa ilalim ng kanyang CM Films na pagsasamahan nila ni Angel Locsin.  Isa umano itong love story-action at may kasamang suspense.

Wala man si Buboy sa tabi ni Sunshine nang isilang nito si Angel Francesca, naroon naman sa kanyang tabi ang kanyang inang si Mommy Alma.

Samantala, si Buboy ay may dalawang anak sa nasira nitong unang asawa, sina Angela (24) at Angelo (20) na parehong close kay Sunshine.
* * *
E-mail: [email protected]

AMERIKA

ANGEL FRANCESCA

BUBBLE GANG

BUBOY

CENTER

KANYANG

MICHAEL V

NELIA LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with