^

PSN Showbiz

Bianca, di feel ang mga sexy stars!

-
Nabaliw ang buong staff ng programang All Star K! nung Huwebes dahil last minute ay nag-back out ang isa sa guest na si Bianca King dahil hindi niya feel ang mga kasama rin niyang guest na sina Maui Taylor, Keanna Reeves at iba pang may sexy image.

Katwiran daw ni Bianca ay hindi niya ka-level ang mga nabanggit na name dahil wholesome siya.

Buti na lang at available si Aleck Bovic na siyang pumalit kay Bianca.

"Kakaloka ang Bianca na ‘yan, as if sikat siya para sabihing hindi niya ka-level sina Maui at Keanna?" sumbong sa amin ng taga-All Star K!.

Nabanggit pa na nu’ng una ay hindi nila pansin ang mga sumbong ng ilang talent coordinators na medyo inarte si Bianca, totoo raw pala.
* * *
Dahil kinain nina Tintin Bersola, Bernadette Sembrano, Julius Babao, lahat ng pagkain ni Ryan Agoncillo last Thursday morning ay nawalan tuloy ito ng kakainin sa pananghalian.

Naging routine na pala ng host ng Magandang Umaga Pilipinas na dala na niya ang pagkain niya for the whole day dahil he’s into South Beach diet for almost three months na.

At dahil ganito rin pala ang ginagawa ng mga kasamahang hosts ni Ryan sa MUP ay nilantakan ang baon niyang pagkain, kaya naman walang makain ang lovey-dovey ni Judy Ann Santos.

Habang kausap naming siya ay panay ang hawak niya sa tiyan niya at inom ng diet soda at nu’ng alukin namin siyang kumain ay panay ang iling niya dahil hindi raw siya puwedeng kumain ng kinakain namin.

At dahil sa awa ay ipinatawag pa ni Boss Orly Ilacad ang chef niya sa Wok n Stix Restaurant para tanungin kung anong pwedeng lutuin for Ryan.

Kamuntikan pang maging instant cook si Ryan nu’ng magprisinta siyang gagawa ng pagkain niya at papunta na siya sa kusina ng resto nang sabihing wala silang bread at kung anu-ano pa. Buti na lang at may natirang 3 pirasong pepper salami at cabbage plus mayonnaise sa kotse ni Ryan at ito ang pinagtiyagaang kainin na halatang gutom na.

Anyway, nasa wisyo pa naman si Ryan nu’ng tanungin namin kung kailan sila aamin ni Juday sa relasyon nila?

"To be honest, wala kaming monthsary, all we know is kami na and we’re getting along. I guess that’s the most important thing naman in a relationship, ‘yung okey kayo, magkasundo kayo," paliwanag niya.

May kutob ba siya na sila ni Budaday ang magkakatuluyan?

"In every relationship you enter, you always think of that, pero you never know naman what will happen in the future. If it works, then go," paliwanag uli niya.

Samantala, challenging daw ang role ni Ryan sa Kutob na entry ng Canary Films ngayong MMFF 2005 at for sure nominated siya for Best Supporting Actor.— REGGEE BONOAN

vuukle comment

ALECK BOVIC

ALL STAR K

BERNADETTE SEMBRANO

BEST SUPPORTING ACTOR

BIANCA

BIANCA KING

DAHIL

NIYA

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with