^

PSN Showbiz

Maraming tutol sa pagkaka-eliminate ni Anna Baluyot sa Star In A Million

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nagulat ako sa nakarating sa aking balita na nasa rehabilitation ang asawa ng isang mahusay na aktor. Kamakailan lang ay nakita ko ang aktor at ang asawa nito na na-feature sa isang lifestyle show. Mukhang okey sila. Hindi mo naman mati-trace na may bisyo ang asawa ng aktor. Dahil bukod sa mataba ito ay normal naman ang kilos.

Kaya nakakagulat kung totoong nasa rehab ngayon ang asawa ng aktor. Hindi nawawalan ng trabaho ang aktor. Abala ito sa telebisyon. One of these days, kapag nakausap ko ang aktor sa launch ng show na kasama ito, kukumpirmahin ko ang balita.
* * *
Inulan ako ng text messages mula sa ilang kaibigan kung bakit si Anna Baluyot ang unang na-eliminate sa Search For The Star In A Million nung Linggo. Emotional si Anna sa sinapit niya. Halatang hindi niya inaasahan ang naging desisyon.

Nagkaroon na rin ng sariling following si Anna. Nagkaroon ito ng imahe na belter at talaga namang nagpakita ng kahusayan during the past weeks ng show.

Nang tanungin ko naman ang production staff ng show, "Sumabit siya sa final showdown!" Days before the elimination last Sunday, tatlo ang nasa top bottom — sina Joey Ignacio, Tony dela Paz at Lance Onate.

"Every performance nila, they are being ranked. Once the top 3 bottom are out, it’s the time na puwede silang i-save via text votes and landline voting. We have a clear cut criteria doon," sabi ng kausap ko.

Sa unang ranking, si Vino Bello ang nangunguna sa judges’ ranking. Sinundan nina Jimmy Marquez, Kris Lawrence, Francis Ong, Jay Perillo, Shake Valerio, Tata Villaruel at Ais Roxas.

vuukle comment

AIS ROXAS

ANNA BALUYOT

FRANCIS ONG

JAY PERILLO

JIMMY MARQUEZ

JOEY IGNACIO

KRIS LAWRENCE

LANCE ONATE

NAGKAROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with