^

PSN Showbiz

Ai Ai may concert kasama ang mga taga-Eat Bulaga

-
Bilang handog ng Klownz Araneta para sa kanilang 2nd anniversary celebration, isang matinding panghimagas ang ibibigay nila sa mga parokyano ng Klownz. Ang mahirap pagsamahin sa telebisyon ay magaganap sa Klownz Araneta sa July 23, Sabado.. ang 4 The 1st Time ..in One-Show na magtatampok kina Jimmy Santos, Wally, Jose at si Aiai delas Alas!

First time na makakasama nila Wally, Jose & Jimmy Santos si Ms. Aiai sa isang show at dahil live comedy show ito kaya siguradong super riot ang mangyayari.

Ibang klase talaga ang hatak ng Magnificent Three na sila Wally, Jose at Jimmy dahil sa pambihirang rapport ng tatlo sa pagpapatawa. Si Wally ay kilalang-kilala na ngayon sa kanyang Gary V. at Rey Langit impersonation samantalang kwelang-kwela pa rin si Jose kapag ginagaya niya na si Mike Enriquez. Siyempre, wala pa ring makakadaig kay Jimmy pagdating sa "carabao English".

Pero siyempre hindi rin matatawaran ang galing ni Aiai sa entablado. Talagang nag-iisa lang ang Reyna ng Comedy Bars at Comedy Concert Queen. Me tatalo ba sa reyna ng comedy bar na si Ms. Aiai?

At siyempre, kaabang-abang din ang production numbers na gagawin nila Aiai, Wally, Jose at Jimmy sa pagsasayaw ng "Chupeta".

Kaya’t ‘wag na ‘wag kalimutan ang 4 The 1st Time..in One-Show sa July 23, Sabado sa Klownz Araneta. Para sa tickets, tawag na agad sa 995-0874 at 0917-8109394.

vuukle comment

AIAI

COMEDY CONCERT QUEEN

GARY V

JIMMY SANTOS

KLOWNZ ARANETA

MAGNIFICENT THREE

MIKE ENRIQUEZ

MS. AIAI

ONE-SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with