^

PSN Showbiz

Simpleng debut ni Jennylyn

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa May 15 ay isa nang ganap na dalaga si Jennylyn Mercado pero wala siyang bonggang debut. Sa halip na gumastos para sa isang malaking selebrasyon ay gusto niyang gawin itong simple lang sa piling ng mga battered kids sa Ternate, Cavite.

May Grand Fans Day ito sa bisperas ng kaarawan na idaraos sa Ali Mall. Naniniwala ang magandang aktres na utang niya ang tagumpay sa kanyang mga tagahanga kaya gusto niyang makasalo rin ang mga ito.

Hindi nga natuloy ang birthday concert nito at sa halip ay baka idaos ito sa Hulyo.

May Bata Foundation ito na tutulong sa mga battered children kaya balak niyang ibigay ang proceeds ng concert sa kanyang project sakaling matuloy ito.

Hinuhulugan pa ni Jennylyn ang kanyang bagong biling bahay kaya hindi praktikal para sa kanya na gumastos ng malaki sa kanyang debut.
Angel, Gustong Maging Simple Ang Birthday Celebration
Sa Agosto 23 ay 20 years old na si Angel Locsin pero mas gusto nitong maging simple lang ang pagdaraos ng kanyang kaarawan. Halos araw-araw ay nagteteyping ito ng Darna kaya mas gusto niyang malibre sa kaarawan para bumawi ng tulog. Sa gabi ay baka manood lang ito ng concert kasama ang ispesyal na kaibigan. Hindi kaya si Oyo Boy ito?

Kaya nang magsolo ni Angel, kahit walang ka-loveteam ay humataw ito bilang si Darna. Tuluy-tuloy ang mataas na rating ng fantaserye at naghahabulan sa 46% o 47% at minsan mas mataas pa rito gaya ng 52.8%.
Pumayat Na Si Valerie
Ang laki nang ipinayat ni Valerie Concepcion dahil nagwo-work-out ito. Desidido siyang makabalik muli sa showbiz at mabigyan pa ng maraming proyekto ng Siete na mother studio niya.

Pwede na rin siyang magsuot ngayon ng bathing suit pero hindi naman nangangahulugan na sasabak ito sa mga sexy scenes. Kontrabida ang role nito sa Now and Forever.
May Istorya Sa Mga Hit Songs
Dose-anyos pa lang si Lito Camo ay kinakitaan na ito ng hilig sa musika. Kaibigan nito ang isang driver na ang amo ay may-ari ng isang recording company. Hanggang dumating sa puntong pinalitan niya ito, hanggang tinulungan siya ni Eddie Boy ng Kulay para makapag-record ng kanta hanggang maging interesado sa kanya ang Vicor Rich Sound na sister company ng Viva Records. Tinulungan din siya ni Ed Formoso na kilalang produ ng Asin, Eraserheads at iba pa hanggang magkaroon ito ng TV show.

May solo album si Lito titled "Ako Naman" under Star Records na naglalaman ng 10 awitin. Sa Abril 29 ay may concert ito sa Music Museum titled Lagi Na Lang Kayo... Ako Naman kasama ang mga guest na mga artistang iginagawa niya ng mga sikat na awitin gaya nina Angelica Jones, K and The Boxers, Viva Hotbabes at iba pa.

vuukle comment

AKO NAMAN

ALI MALL

ANGEL LOCSIN

ANGELICA JONES

BATA FOUNDATION

DARNA

ED FORMOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with