^

PSN Showbiz

Lovely, pinatalsik sa simbahan dahil sa pagpo-pose ng sexy

-
Nakakaawa naman ang nangyari kay Lovely Mansueto. Dahil sa pag-pose niya ng sexy sa larawan at nagsabing willing siyang magtanggal ng panty sa pelikula, pinatalsik siya ng pari sa pinaglilingkurang simbahan. Tumutulung-tulong siya kapag Sunday sa isang simbahan sa Tondo. Matagal na niyang gawain ito.

Naging eksaherado kasi ang pagkakalabas ng balita at ang larawang seksi ay hindi nataypan ng pari. Ayaw na raw nilang magsilbi pa si Lovely. Nalungkot man ang teenstar, wala siyang magagawa, kasi patakaran yon ng simbahan. Ipinatawag din si Lovely sa school dahil din sa mga seksi niyang larawan na lumabas sa ilang pahayagan.

Sa isang banda, wala namang may kasalanan sa nangyaring ito sa unica hija ng mga Mansueto. Ang kaso nga lang, nadagdagan ang nakalagay sa artikulo, hindi nakalusot sa mga kinauukulan.

Ang nakakapagtaka lang kay Lovely ay kung bakit siya nagpakuha ng ganun kaseksing larawan, gayung wala naman pala siyang gagawing pelikulang seksi. Ni walang balita kung kasali ba siya sa project na gagawin ng producer na nagbigay ng break sa kanya kamakailan.

Saan daw gagamitin ang larawang yon ni Lovely? tanong tuloy ng marami.

Maging si Lovely ay nagulat din, kung bakit ganun kaseksi ang ipinagawa sa kanya gayung wala naman palang gagawing bold picture. Nakakaintrigang itanong, di ba?

Patuloy sa pag-aaral si Lovely. Itinuloy niya ito kesa mag-ambisyong mag-bold lalo na ngayong ang bold picture ay ayaw payagang ipalabas sa SM theaters. Saka sa tingin namin, hindi pa naman nagugutom ang mga Mansueto para maghubad-hubad ang unica hija nilang si Lovely. Vir G.

vuukle comment

AYAW

DAHIL

IPINATAWAG

ITINULOY

LOVELY

LOVELY MANSUETO

MANSUETO

MATAGAL

NAKAKAAWA

VIR G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with