^

PSN Showbiz

Reklamo ni Celia Rodiguez,pinagtawanan lang ng Angora Films

-
Nakausap ko ng personal ang line producer ng Naglalayag na si Lyn Madrigal ng Angora Films at tinanong ko ito kung ano ang reaksyon niya sa balitang magsasampa ng demanda ang veteran actress na si Celia Rogriguez.

Ayon kay Lyn, hindi na dapat pang magreklamo ng kung anu-ano si Celia dahil pana-panahon lamang ang kalakaran sa showbiz. Natatawa ring sinabi ni Lyn na wala siyang magagawa kung maliit lang ang billing nito sa naturang pelikula dahil hindi naman ito ang lead.

Idinagdag pa nito na itinaas pa nga ng konti ang billing nito pero, talagang hanggang doon na lamang anya ang nararapat dito.

Kaugnay nito, hindi naman isinasaisantabi ni Lyn ang katotohanang magaling at niri-respeto itong artista ngunit nagtataka lamang umano siya dahil masyado nitong pinalaki ang maliit na diprensiya.
Dale Villar At William Thio, Nami-Miss Ni Bianca Lapuz Sa 30 Days!
Partikular na pinili ni Bianca Lapuz sina Dale Villar at William Thio sa mga artistang mami-miss niya sa 30 Days.

"Pareho kasi kaming kalog nina Dale at William. Alam mo yong sobrang kulit namin sa set na para kaming mga bata," pagbabalik-tanaw ni Bianca.

Idinagdag pa nito na although wala na siya sa 30 Days ay patuloy pa rin silang nagkikita-kita dahil hindi raw ganoon kadaling tanggalin ang bonding na nagawa nila sa set ng naturang tv show.

Kaugnay nito, kahit natanggal na sa naturang television program, hindi naman natatakot si Bianca dahil pinangakuan umano siya ng Siyete na bibigyan pa rin ng trabaho. Wish lamang ni Bianca na bigyan ng sariling tv show silang 10 ng tulad ng ginawa ng Siyete sa StarSruck Avengers at Survivors na pinagsama-sama sa iisang tv show. Tonton Villamor

vuukle comment

ANGORA FILMS

BIANCA

BIANCA LAPUZ

CELIA ROGRIGUEZ

DALE VILLAR

DALE VILLAR AT WILLIAM THIO

IDINAGDAG

KAUGNAY

LYN MADRIGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with