^

PSN Showbiz

Jopay ng Sexbomb,nambato ng bote !

-
Na-shock ang mga taga-Balic Balic, Sampaloc Manila last Sunday dahil ang dati nilang ka-barangay at kapitbahay na si Jopay Paguia ng Sexbomb Dancers ay nagwala at nambato ng bote sa taong naka-away ng kanilang kaibigan.

Ayon mismo sa taga-Balic Balic ay dating nakatira si Jopay sa Roxas St. cor Mindanao nu’ng hindi pa ito sikat at dumadalaw lang ito sa naturang lugar dahil piyesta at sa imbitasyon na rin ng ilang kaibigan.

Dagdag pa na may dinalaw ding dating boyfriend si Jopay na maski na matagal na silang hiwalay ay hindi pa rin daw nito makalimutan ang lalaki. Tila nagkaroon daw ng tuksuhan at ang napikon ay ang kaibigan daw ng naturang Sexbomb dancer.

"Imbes na umawat si Jopay, nakigulo pa at binato ng bote ‘yung tao at nagkasugat," pahayag ng aming source.

At dahil dito ay magsasampa raw ng reklamo ang taong nasugatan ni Jopay. (Ulat ni REGGEE BONOAN)

vuukle comment

AYON

BALIC BALIC

DAGDAG

IMBES

JOPAY

JOPAY PAGUIA

MINDANAO

ROXAS ST.

SAMPALOC MANILA

SEXBOMB DANCERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with