^

PSN Showbiz

Snooky, ipinapasa na ang korona kay Claudine

-
Abot hanggang tenga ang kasiyahang nadarama ng aktres na si Snooky Serna sa mga panahong ito. Ang dahilan ay ang phenomenal success ng bagong fantaserye sa telebisyon, ang Marina. Ito ay nagpapatunay lamang na si Snooky ang nananatiling nangunguna sa larangan ng pantasya. Kung inyong natatandaan, si Snooky ay binansagang Reyna ng Pantasya ng Pelikulang Pilipino halos 20 taon na ang nakalilipas. Sino ang makalilimot sa magic na pinamalas niya sa kanyang mga pelikulang tulad ng Blusang Itim, Rosa Mistica at Mga Kwento ni Lola Basyang?

Sa Marina, si Snooky ay gumaganap bilang Esther, ang isinumpang ina na kung saan ang kanyang anak na si Marina (ginagampanan ni Claudine Barretto) ay nagiging sirena tuwing kabilugan ng buwan. Ipinagkakaloob na ba ni Snooky ang titulong Reyna ng Pantasya kay Claudine Barretto?

"Surely! But Claudine doesn’t need it dahil lahat ng genre na pinasukan niya ay successful siya," sagot pa niya.

Very vocal si Snooky sa pagsasabi ng kanyang paghanga kay Claudine. Sabi niya, "Claudine made me feel very welcome on the set. She’s very hardworking and talented, bilib ako sa kanya,"

Sa darating na Abril 4 magdiriwang ng kanyang kaarawan si Snooky sa Sunday musical variety show na ASAP sa ABS-CBN. Samahan natin siya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. "I have every reason to celebrate!" sabi pa ng dating child actress, na ngayo’y nagi-enjoy sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

vuukle comment

BLUSANG ITIM

BUT CLAUDINE

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

LOLA BASYANG

MGA KWENTO

PANTASYA

PELIKULANG PILIPINO

SNOOKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with