Gladys, false alarm ang pagbubuntis!
March 26, 2004 | 12:00am
Kung ang pinsan niyang si Raymond Bagatsing ay ang pag-aartista ang pinasok, public service naman ang direction ni Don Ramon Bagatsing na ngayon ay kandidato sa pagka-bise alkalde ng Maynila.
Kung tutuusin, ang pulitika ay hindi na bago kay Don dahil apo siya ng dating mayor ng Maynila na si Mayor Ramon Bagatsing na 15 taong naglingkod bilang mayor. Ama naman niya ang dating kongresista ng Maynila na si Cong. Dondon Bagatsing at tiyuhin naman niya ang kumakandidato ngayong congressman na si Nonoy Bagatsing.
Tulad ni Raymond, artistahin din ang itsura ni Don pero nagkataon lamang na magkaiba ang kanilang career path.
Samantala, maswerte si Don dahil ang kanyang magandang maybahay na si Grace Custodio-Bagatsing ay all-out ang ibinibigay na suporta sa kanya. Ang dalawa ay nagkakilala sa pamamagitan ng isang blind date na inayos ng kanilang common friend.
Ang mag-asawa ay meron na ngayong isang anak na lalaki, si Donito (junior), 14 months old.
Nasa parlor kami ni Bhoy Navarette sa may Aurora Blvd. nang mapanood namin ang premiere telecast ng inaabangang StarStruck Kids sa GMA-7 nung nakaraang Sabado ng hapon. Si Jolina Magdangal ang host nito kasama ang sampung StarStruck avengers. Nasala na sa 60 ang libu-libong batang nag-audition na nagmula pa sa ibat ibang lugar ng Pilipinas. Pagkatapos ng 60 ay na-trim down ito to 30 hanggang sa mapili ang 14K StarStruck Kids. Umabot lamang sa Top 30 ang half-brother ni Aga Muhlach na si Andoy Muhlach pero hindi ito pinalad na pumasok sa 14K finalists. Sa 60, stand-out na sa amin ang pagiging smart ng five-year-old kid na si Sam (Samantha Nicole Bumatay) kaya tuwang-tuwa kami nang itoy pumasok sa Top 30 at sa Top 14 finalists.
Nang magpatawag ang GMA-7 ng presscon para sa Starstruck Kids nung nakaraang Lunes ng gabi, si Sam ang natatanging StarStruck Kid na aming kinausap to think na hindi siya ganoon ka-ganda kumpara sa ibang members ng StarStruck Kids. Siya rin ang pinaka-maliit sa grupo. Pero kakaiba ang karisma dahil sobra ang pagiging bibo nito at napaka-smart. Katunayan, ngayon pa lamang ay siya na ang aming bet na papasok sa Final Four.
False alarm ang napabalitang pagbubuntis ni Gladys Reyes na ikinasal sa kanyang longtime boyfriend actor na si Christopher Roxas nung Enero 23. Personal naming nakausap si Gladys at siya mismo ang nagsabi sa amin na hindi umano siya buntis dahil dinatnan siya ng kanyang monthly period.
Masaya siya ngayon sa kanyang buhay may asawa sa piling ng kanyang mister. Sa Villa Olympia sa San Pedro, Laguna nakatira ngayon ang bagong kasal - sa isang duplex house na pag-aari mismo ni Christopher. Ang katabi nitong duplex ay ang pamilya naman ng kanyang mother.
Ayon kay Gladys, marunong na umano siyang magluto at ang pag-aayos ng bahay ang kanyang inaatupag ngayon sa tulong na rin ni Christopher. Isinama rin ni Gladys ang kanyang girl Friday na si Landa.
Paglipat nila ng bahay ay kumpleto kaagad ang kanilang bahay ng mga kagamitan. Sa katapusan ng buwang ito ay nakatakdang magbakasyon sa Hongkong ang mag-asawa dahil hindi sila nakapag-out-of-the-country pagkatapos ng kanilang kasal. Sa Boracay sila nag-honeymoon kung saan sila namalagi sa loob ng limang araw. Kung hindi sila naka-buo sa Boracay, malamang na mangyari ito sa Hongkong.
Samantala, tuloy pa rin pareho sina Gladys at Christopher sa kanilang respective showbiz careers pero may plano ang huli na magtungo ng L.A. para maghanap doon ng panibagong trabaho.
Personal: Ang aking taos-pusong pakikiramay sa pagyao ng aking itinuturing na foster sister sa Honolulu, Hawaii na si Marlene Manzano. Si Marlene (45) ay inatake sa puso nung nakaraang Biyernes ng gabi habang itoy nasa gitna ng meeting sa kanilang bahay at hindi na siya umabot sa pagamutan ng buhay. Sana itoy makarating sa kanyang mga kamag-anakan sa Ilocos. Naiwan ni Marlene ang kanyang may edad nang ina at dalawang foster daughters na parehong may kapansanan.
Bukod kina Manong Ed at Manang Fely Ramos na parang pamilya ko na rin sa Hawaii, si Marlene ang nagsisilbi kong driver at guide sa tuwing akoy nagpupunta ng Hawaii. Si Marlene ay huli kong nakitang buhay nung Enero nung isang taon nang akoy um-attend sa taunang PTC (Pacific Telecom Council) sa Hilton Hawaiian Village sa Honolulu, Hawaii. Hindi na magiging kumpleto ang aking bakasyon sa Hawaii dahil akoy nawalan ng isang loyal na kaibigan tulad ni Marlene.
Paalam, kaibigan!
Kung tutuusin, ang pulitika ay hindi na bago kay Don dahil apo siya ng dating mayor ng Maynila na si Mayor Ramon Bagatsing na 15 taong naglingkod bilang mayor. Ama naman niya ang dating kongresista ng Maynila na si Cong. Dondon Bagatsing at tiyuhin naman niya ang kumakandidato ngayong congressman na si Nonoy Bagatsing.
Tulad ni Raymond, artistahin din ang itsura ni Don pero nagkataon lamang na magkaiba ang kanilang career path.
Samantala, maswerte si Don dahil ang kanyang magandang maybahay na si Grace Custodio-Bagatsing ay all-out ang ibinibigay na suporta sa kanya. Ang dalawa ay nagkakilala sa pamamagitan ng isang blind date na inayos ng kanilang common friend.
Ang mag-asawa ay meron na ngayong isang anak na lalaki, si Donito (junior), 14 months old.
Nang magpatawag ang GMA-7 ng presscon para sa Starstruck Kids nung nakaraang Lunes ng gabi, si Sam ang natatanging StarStruck Kid na aming kinausap to think na hindi siya ganoon ka-ganda kumpara sa ibang members ng StarStruck Kids. Siya rin ang pinaka-maliit sa grupo. Pero kakaiba ang karisma dahil sobra ang pagiging bibo nito at napaka-smart. Katunayan, ngayon pa lamang ay siya na ang aming bet na papasok sa Final Four.
False alarm ang napabalitang pagbubuntis ni Gladys Reyes na ikinasal sa kanyang longtime boyfriend actor na si Christopher Roxas nung Enero 23. Personal naming nakausap si Gladys at siya mismo ang nagsabi sa amin na hindi umano siya buntis dahil dinatnan siya ng kanyang monthly period.
Masaya siya ngayon sa kanyang buhay may asawa sa piling ng kanyang mister. Sa Villa Olympia sa San Pedro, Laguna nakatira ngayon ang bagong kasal - sa isang duplex house na pag-aari mismo ni Christopher. Ang katabi nitong duplex ay ang pamilya naman ng kanyang mother.
Ayon kay Gladys, marunong na umano siyang magluto at ang pag-aayos ng bahay ang kanyang inaatupag ngayon sa tulong na rin ni Christopher. Isinama rin ni Gladys ang kanyang girl Friday na si Landa.
Paglipat nila ng bahay ay kumpleto kaagad ang kanilang bahay ng mga kagamitan. Sa katapusan ng buwang ito ay nakatakdang magbakasyon sa Hongkong ang mag-asawa dahil hindi sila nakapag-out-of-the-country pagkatapos ng kanilang kasal. Sa Boracay sila nag-honeymoon kung saan sila namalagi sa loob ng limang araw. Kung hindi sila naka-buo sa Boracay, malamang na mangyari ito sa Hongkong.
Samantala, tuloy pa rin pareho sina Gladys at Christopher sa kanilang respective showbiz careers pero may plano ang huli na magtungo ng L.A. para maghanap doon ng panibagong trabaho.
Bukod kina Manong Ed at Manang Fely Ramos na parang pamilya ko na rin sa Hawaii, si Marlene ang nagsisilbi kong driver at guide sa tuwing akoy nagpupunta ng Hawaii. Si Marlene ay huli kong nakitang buhay nung Enero nung isang taon nang akoy um-attend sa taunang PTC (Pacific Telecom Council) sa Hilton Hawaiian Village sa Honolulu, Hawaii. Hindi na magiging kumpleto ang aking bakasyon sa Hawaii dahil akoy nawalan ng isang loyal na kaibigan tulad ni Marlene.
Paalam, kaibigan!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
























