^

PSN Showbiz

Pang-award daw ang pelikula,pero walang ginawa ang bidang babae kundi maghubad nang maghubad

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tawa kami nang tawa sa kwento ng isang seksing aktres tungkol sa kanyang ginawang pelikula. Tigas ng pagmamalaki ng direktor na pang-award ang kanyang movie kaya excited na ito. Pero naimbyerna ito dahil natapos ang pelikula nang walang ipinakitang akting ang seksing aktres. "Paano magiging award-winning movie ito gayung wala akong dialogue at puro hubad lang ang ginawa ko," sey nito.

Sinabi pa ng seksing aktres na binola lang siya ni Direk para gawin ang pelikula na hanggang ngayon ay hindi pa siya fully paid. Kung tutuusin ito na ang pinaka-boldest sa lahat ng pelikulang nagawa niya.

Pansamantalang nagpahinga ang seksing aktres dahil siya’y nanganak pero balik-showbiz na naman ito ngayon.
Wala Nang Pedopilya Sa Laguna
Nakakwentuhan namin si Erwin Maceda, anak ni dating Senate President Ernesto Maceda na tumatakbong congressman para sa ika-4th district ng Laguna. Walong taon na itong naninirahan sa Pagsanjan, Laguna at likas ang pagiging matulungin sa mga mahihirap dahil sa kanyang community involvement projects. Bilang chairman ng Tourism sa Laguna ay napanatili nitong maayos at malinis ang kapaligiran. Wala na ring pedopilya roon.

Palalawakin pa nito ang turismo sa pamamagitan ng taunang pagdaraos ng fluvial festival sa iba’t ibang bahagi ng Laguna. Si Erwin ay nagpakadalubhasa sa larangan ng pagsasaka kung saan ibinabahagi ang kaalaman tungkol dito.

Siya rin ay isang broadcaster ng DWIZ at aktibong miyembro ng Rotary Club ng Pagsanjan at Couples for Christ.
Pamilya Sotto, Proud
Naging matagumpay ang launching ng CD 45 ni Danica Sotto sa Suburbia kamakailan. Suportado ito ng buong angkan ng mga Sotto. Naroon ang kanyang mga magulang na sina Vic at Dina Bonnevie gayundin ang kapatid nito at mga barkada na nagpasaya sa kanyang mini-concert.

Titig na titig si Vic habang umaawit ang anak dahil marahil may nerbyos ding nadarama pero matapos ang huling bilang ay nakangiti ito at panay ang palakpak gayundin si Dina. Kumukuha pa rin sila ng photo gamit ang cellphone. Doon ko napatunayan kung gaano sila ka-close bilang pamilya. Sabi nga ni Danica ay mama’s Boy si Oyo at Papa’s girl naman siya.

"Dream ko noong bata pa na maging singer kaya tinuturuan na ako ni Daddy sa pagkanta. Nang iparinig ko nga ang mga awitin para sa album ay nagko-comment si Mommy na kulang pa ng feeling. Sila nga ni daddy ang number one critic ko. Hindi naman ako kasing galing ng ibang artist pero may passion ako para maging singer at gusto kong i-share ang talent ko sa iba pa at di ko habol ang sumikat," aniya.

Nagko-compose din si Danica ng mga awitin na namana nito kay Vic.

Three months bago natapos ni Danica ang CD 45.
Tintin, Sinwerte Sa Siyete
Inamin ni Tintin Arnaldo na break na sila ni Luis Alandy. Nang pumasok ang 2004 ay split na ang dalawa. Sinubukan nilang i-save ang kanilang relasyon pero hindi rin nagtagumpay.

Kahit loveless ay masaya naman ang magandang aktres lalo na ngayon at gumaganda ang career nito sa Siyete via Twin Hearts. "Kahit kontrabida ay enjoy ako dahil maganda ang feedback ng manonood at sinasabi nila na credible ang aking performance. Yong iba naman ay nagagalit dahil tinatanong ako kung bakit ko inaaway si Tanya Garcia. Ipinaliwanag ko naman sa kanila na bahagi lang ng trabaho ang inilalarawan ko dahil sa tunay na buhay ay mabait ako," aniya.

Kung gumanda ang career ni Tin sa Siyete ay naging frozen delight naman ang ex-boyfriend nitong si Luis dahil nawalan naman ito ng assignment sa Dos.

vuukle comment

DAHIL

DANICA

DANICA SOTTO

DINA BONNEVIE

ERNESTO MACEDA

ERWIN MACEDA

KAHIT

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with