^

PSN Showbiz

Hindi saling pusa ang 'Bridal Shower' at 'Gagamboy'

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa presscon ng Bridal Shower ay sinabi ni Direk Jeffrey Jeturian na disappointed siya dahil nalaglag ang kanilang movie kasama ang Gagamboy sa Magic 7 ng MMFF. Sinabi pa nito na may kulay pulitika ang filmfest at feeling niya kaya di nakasama ang Bridal Shower ay dahil inaakala nilang less good movie ito.

Magaganda ang lahat ng entries sa Metro Manila Film Festival at kahit hindi kasama sa Magic 7 ang Bridal Shower at Gagamboy ay di nangangahulugang saling-pusa lang ang mga ito na ipalalabas sa January 1.

Masusing pinanood, pinag-aralan ng screening committee members ang mga pelikula na kinabibilangan nina Mayor Rey Malonzo (chairman), Mark Gus Ng, Prof. Orly Molina, Direk Joey Romero, Manny Nuque, Maan Hontiveros, Serge Remonde, Caloy de Leon at Dominic Du. Pagkatapos ng deliberation noong Biyernes ay saka ini-announce ang Magic Seven.

Hindi naman nangangahulugan na komo si Mayor Malonzo ang chairman ay may halong pulitika na ito dahil ang mga screening committee members ay nanggaling sa iba’t ibang sektor ng lipunan na may kaalaman din sa pagsusuri ng pelikula.

Pero sinabi naman ni Direk Jeturian na blessing in disguise ang nangyari sa kanilang movie dahil ngayong ipalalabas ito sa January 1 ay mabibigyan nila ng sapat ng panahon para mai-promote ito at baka mas kumita pa sa nasabing playdate.
Di Napapagod Si Direk
First time na makatrabaho ni Dina Bonnevie si Direk Jeturian sa pelikula although nagkasama na sila sa telebisyon. "Di napapagod si Direk at kahit ngarag na ngarag na kami ay tuloy pa rin ang dubbing. Metikuloso rin siyang direktor at kapag di nagustuhan ang damit ko ay pinapapalitan ito. Kailangang aprubado niya ang damit na isusuot ko kaya nga nasabi ko sa sarili na pati ba naman damit ay kailangan pang pakialaman? Para sa kanya, pati damit pala ay may istorya. Kahit ang buhok ko ay paiba-iba, minsan kulot at minsan naman ay diretso. Tinitingnan din niya ang make-up ko gaya nung isang eksenang may sakit ako. Kailangang ang make-up ay gaya ng sa maysakit. Magaling siyang direktor kaya hanga kami sa kanya," sey ng magandang aktres.
Pinahirapan Si Cherrie Pie
Ayon kay Robbie Tan, gumastos sila ng P40,000 para sa rubber body suit ni Cherrie Pie Picache para lang magmukhang overweight. Pahinga muna ang multi-awarded actress sa drama at ngayon ay enjoy sa isang sex-comedy film, ang Bridal Shower.

Gagampanan nito ang papel ni Katie na umiiwas sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil sa kanyang katabaan. Sa bridal shower ni Sonia ay umupa ito ng bayarang macho dancer sa katauhan ni Alfred Vargas kung saan na-in love ito sa kanya (Katie) at inilihim ang relasyon pero nabuking din ng mga kaibigan.
Gelli, Sa Pinas Magpa-Pasko
Noong mga nakaraang taon ay sa Canada nagpalipas ng Pasko si Gelli de Belen kasama si Ariel Rivera at dalawang anak. Lagi silang nakakaranas ng White Christmas.

Paano niya ipagdiriwang sa taong ito ang Pasko? "Sa bahay lang kaming mag-anak at ipapasyal lang siguro namin ni Ariel ang mga bata. Babawi kami dahil pareho kaming busy the past days. Dalawang araw ang taping ko sa Sis at tatlong araw naman si Ariel sa Narito ang Puso Ko."
Kasal Ng Mga Unano
Kakaibang wish ko lang ang napanood namin sa programang Okay Ka Mom sa episode na Dear Mom hosted by Gigi Malonzo. May sumulat sa show tungkol sa dalawang unanong matagal nang nagsasama pero wala pang basbas ng simbahan.

Pinagtaling-puso sila sa Sacred Heart of Jesus Parish Church. Tumayong ninang si Gigi mismo at ang bise-alkalde ng Caloocan na si Tito Varela naman ang ninong. Binigyan sila ng magandang reception sa City Hall matapos ang kasal.

Bukod pa rito ay nakapagbigay na ng scholarship ang Dear Mom mula sa mga letter senders. Mapapanood ang Okay Ka Mom tuwing Sabado 10:30 ng umaga sa Channel 5, co-host sina Marjorie Barretto at PJ Malonzo.
Nag-Away Dahil Sa Bugawan
Ayon sa isang source ay nag-away ang dalawang manager na dating magkaibigan dahil sa bugawan isyu. Sikat na ang alaga ni Lady Manager A, samantalang gumagawa pa lang ng pangalan ang alaga ni baklitang Manager B.

Magkasama sana sa isang sexy movie ang dalawang aktres. Pero ayaw ni Manager A. "Baka hilahin lang niya pababa ang aking alagang aktres. Naibugaw na siya no!" aniya.

Sey naman ni Manager B kay A "Look who’s talking... di ba nambubugaw din siya?"

Ang ending ay nagdededmahan na ang dalawa at hindi na natuloy ang proyekto ng dalawang aktres.

vuukle comment

BRIDAL SHOWER

CENTER

DAHIL

DEAR MOM

DIREK

DIREK JETURIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with