^

PSN Showbiz

Tatagal ba ang kaseksihan ni Maui at Andrea?

-
Ang dalawa sa pinakamaiinit na sexy stars ngayon sa bansa na sina Maui Taylor at Andrea del Rosario ay mahaharap sa iba’t ibang mahihirap at mapanubok na experiences na siguradong ikagugulat ng mga manonood sa isa na namang exciting series ng reality TV hit na Extra Challenge!

Hindi lang ito tagisan ng alindog at kaseksihan, matutuklasan din natin ang soft spot ng kanilang pagkatao sa ibang klaseng pagsubok na maaaring ipakita ang kahihinatnan nila sa buhay. Tutuklasin ng Extra Challenge kung ano ang magiging hitsura ng mga mapang-akit na mukha nila pagkaraan ng 40 taon, courtesy ng isang skilled make-up artist. Malalaman din kung hanggang saan hahantong ang kanilang kasikatan pagkatapos nilang madiskubre ang iba’t ibang kinahinatnan ng mga sexy at bomba stars noon. At syempre, hindi mawawala ang mga physical challenges na susubukan kung tatagal ba ang kanilang kaseksihan.

Panoorin ang kakaibang challenges nina Maui at Andrea simula October 13-18, Lunes hanggang Biyernes, sa Extra Challenge pagkatapos ng Frontpage, dito lamang sa inyong nag-iisang Kapuso, GMA.

vuukle comment

ANDREA

BIYERNES

EXTRA CHALLENGE

FRONTPAGE

KAPUSO

MALALAMAN

MAUI

MAUI TAYLOR

PANOORIN

TUTUKLASIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with