^

PSN Showbiz

Nagpapautang ng 5-6 ang sikat na komedyante

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon sa isang source, ginagawang hanapbuhay ng isang sikat na komedyante at ng kanyang asawa ang pagpapautang ng five-six sa mga empleyado ng isang network. Nagtataka ang mga kasamahan nito kung bakit ginagawa pa ito ng komedyante samantalang namumuhay na siya sa luho sa dami ng raket o trabaho niya, super-taas pa ang talent fee nito. May nagtatanong tuloy na hindi kaya makarma ang sikat na komedyante sa ginagawa niya? Sa laki ng kinikita nito ay pwede naman siyang magpautang ng walang porsyento.

Ang komedyante ay mayroong sitcom at nagho-host din sa isang noontime show.
Onemig, Bading?
Nag-workshop pa pala si Onemig Bondoc para lang maging credible ang performance bilang bading sa Buttercup.

Marami nga ang pumuri sa kanya dahil magaling ang portrayal ng karakter niya. Hindi kaya maisip ng mga tao na bading din siya sa tunay na buhay?

Ayon sa aktor ay hindi niya iniisip ang ganitong klase ng intriga dahil ang mahalaga ay effective siyang bading.
Imelda, Balik-TV
Nagbabalik-telebisyon ang magaling na singer at bise-gobernadora ng Camarines Sur na si Imelda Papin kasama si Konsehal Ariel Inton ng fourth district ng Quezon City sa bagong programang The Imelda Papin Show. Ito’y magsisimulang mapanood sa July 26 sa RPN 9, alas-onse hanggang alas-dose ng tanghali.

May segment si Ariel kasama si Mel, ang "Ika’y Paglilingkuran" na tutulong sa mga kapuspalad.
Nagising Na Si Allona!
Ngayong isa nang ganap na ina si Allona Amor, ay parang lalo itong gumanda. Nagda-diet ngayon at nagwo-workout si Allona para bumalik sa dati ang katawan. Medyo tumaba kasi siya pagkatapos manganak. Magbabalik-telebisyon ang aktres at pagkatapos ay gagawa rin ng pelikula.

Naging baliw din sa pag-ibig ang seksing aktres no’ng kasagsagan ng kanyang career. Nabuntis siya ng isang baguhang aktor na ginamit lang siya. Pero, nagising na siya ngayon.

Desidido sa kanyang pagbabalik-showbiz ang seksing aktres.

vuukle comment

ALLONA AMOR

ARIEL INTON

AYON

CAMARINES SUR

IMELDA PAPIN

IMELDA PAPIN SHOW

NAGISING NA SI ALLONA

ONEMIG BONDOC

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with