^

PSN Showbiz

Pagdating sa prinsipyo, kakain ng alikabok si Assunta kay Alex

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Kahit nakakainis ang kanyang dating dahil parang ang yabang-yabang niya, paminsan-minsan ay naaawa rin kami kay Congressman Jules Ledesma dahil ito ang sumasalo sa mga kataklesang pinaggagawa ni Assunta de Rossi.

Matagal nang nakalibing ang isyu tungkol sa hidwaan nilang mag-ina at ng kanyang dating manager na si Direk Manny Valera, pero ewan kung ano na naman ang nakain nitong si Assunta at nagsimula na naman siya ng gulo, pinalabas naman niyang masama si Mommy Neth at ang kanyang dating manager.

Bukod sa kanyang ina at manager ay pinalabas ding iresponsable at hindi pala gentleman ni Assunta si VRB Chairman Bong Revilla, parang diring-diri pang umere si Assunta sa Morning Girls habang sinasabi ang, "I felt I was raped!".

Ang litanya ng sexy actress ay pinilit lang daw siya ng kanyang ina at manager na gawin ang re-shoot ng Kilabot at Kembot, ’yun daw ang pinakanakakadiring pangyayari sa kanyang buhay na hanggang ngayon, kapag naaalala niya ay inis na inis siya at ’yun daw ang naging ugat ng hidwaan nilang mag-ina.

Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip kami, kapag ibinubuka kaya ni Assunta ang kanyang bibig ay nag-iisip muna siya ng maraming beses?

Talaga bang krimen na para sa kanya ang pagpapare-shoot sa kanya ng mga eksenang ’yun kaya kahit isang taon nang tapos ang pelikula ay heto pa rin siya at galit na galit, nananahimik na ang mga taong nakaengkwentro niya ay nagpapasimula na naman siya ng gulo?

Wala na siyang respeto sa kanyang ina ay hindi pa siya tumatanaw ng utang-na-loob sa kanyang dating manager, pero kapag pinupulaan siya sa ugali niyang ’yun ay nanunulis na agad ang nguso niya sa karereklamo?

Tahimik na ang kapaligiran, kumita na ang Kilabot at Kembot at nagastos na niya ang kanyang bonus sa pelikula. Nananahimik na ang kanyang ina sa Italya at si Direk Manny Valera ay nakausad na nang pasulong mula nang maghiwalay sila ng landas, kaya sana’y itikom na rin ni Assunta ang kanyang bibig.
* * *
Nang malaman ni Congressman Ledesma na nagdamdam si Bong Revilla sa mga pinagsasabi ni Assunta sa Morning Girls ay nag-text agad siya kay Andrea.

Paliwanag ng pulitiko kay Andeng ay hindi naman daw si Bong ang tinutukoy ni Assunta sa mga litanya nito kundi sina Mommy Neth at Direk Manny, katunayan ay gentleman daw ang pagkakilala niya kay Bong dahil naroon siya nang magre-shoot ang eksenang ’yun.

Palagi na lang bang si Congressman Jules ang tatayo sa harapan ni Assunta para magtanggol kapag nagpapataklesa ito at nagsasalita ng mga bagay-bagay na hindi ikinatutuwa ng marami?

Ganun na lang ba ang laging magiging papel ng pulitiko, ang maging abogado-tagapagtanggol ng sexy star na ito na mahilig bumuhay sa mga isyung kung tutuusi’y patay na?

Sana’y isaksak ni Assunta sa kanyang isip na anumang pagduduldol sa kanya ang gawin ng kahit sino ay walang maaaring mangyari kung siya mismong may katawan ay hindi papayag sa ipinagagawa sa kanya.

Tayo ang hari ng ating sarili, sinumang labas sa ating katawan ay walang magagawa kung tayo mismo ang papalag at haharang.

Huwag na sanang maghugas-kamay pa si Assunta sa pangyayaring ’yun na ibang tao naman ang kanyang idinidiin, dahil kahit sino ay walang karapatang pilitin siya kung meron siyang paninindigan.

Walang-wala si Assunta kumpara sa nakababata niyang kapatid na si Alessandra pagdating sa usapin sa prinsipyo, naturingang mas bata, pero pakakainin ng alikabok ni Alex si Sam.

vuukle comment

ASSUNTA

BONG REVILLA

CHAIRMAN BONG REVILLA

CONGRESSMAN JULES

CONGRESSMAN LEDESMA

KANYANG

MOMMY NETH

MORNING GIRLS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with