^

PSN Showbiz

Regine at Dingdong sa naiibang teledrama

-
Para sa kanyang kaarawan, inihahandog ng Asia’s Songbird ang isang movie made for television kasama ang prince of teledrama na si Dingdong Dantes sa isang naiibang kuwento ng pag-ibig, ang Huling Yakap sa Tag-araw. Sa pagkakataong ito, konsepto ni Regine ang ginamit sa TV movie special.

Tunay na challenging ang ginampanang role ni Dingdong bilang si Marco, ang lalaking buong buhay na minahal at sinamba si Anna (Regine). Sa may dalampasigan unang nakita ni Marco si Anna noong bata pa siya at agad siyang nabighani sa dalaga. Dito niya laging hinahanap si Anna, ang kanyang obsesyon. Subalit sadyang pinaglayo ang kanilang landas at muli lamang silang pinagtagpo pagkaraan ng anim na taon. Sa panahong ito, maraming pasakit ang naranasan ni Anna na naging dahilan sa kaniyang pagbabago. Samantala, handa na ang ngayo’y binatang si Marco na ibigay ang kaniyang buong sarili sa babaing magmumulat sa kanyang kamalayan sa init ng pag-ibig.

Saksihan sa natatanging pagkakataon, ang pagiging daring ni Dingdong sa telebisyon at ang kakaibang Regine na malayo sa kanyang feel-good movies sa isang TV movie special ngayong Linggo, April 27, 9:30 ng gabi, sa inyong nag-iisang Kapuso, GMA.

vuukle comment

ANNA

DINGDONG DANTES

DITO

HULING YAKAP

KAPUSO

LINGGO

SAKSIHAN

SAMANTALA

SUBALIT

TUNAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with