^

PSN Showbiz

Jordan, Roderick may relasyon?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
May mga bulung-bulungang umiikot ngayon tungkol sa ispesyal daw na pagkakaibigang namamagitan kina Roderick Paulate at Jordan Herrera.

Walang kamalay-malay ang nananahimik na TV host na iniuugnay na ang kanyang pangalan sa baguhang si Jordan, nasusulat na sila bilang bida sa mga blind items, kaya mas mabuting linawin na agad namin ang isyu bago pa lumaki nang lumaki.

Ang kuwento kasing kumakalat ngayon ay madalas daw mag-usap sa telepono sina Dick at Jordan, pinalalabas ng mga may malisyosong isip na magkarelasyon ang dalawa, kaya humanap agad kami ng paraan para bigyang-linaw ang tsismis.

Ang sagot sa kuwento ay si Jojit de Nero, isa sa pinakamalapit sa buhay ngayon ni Jordan, siya ang pinagresolba namin sa tsismis kung totoo ba o hindi.

Pagkatapos lang ng ilang minuto ay tinawagan na agad kami ni Jojit, ang matagumpay na negosyante-singer na alam ang likaw ng bituka ni Jordan Herrera, hindi totoo ang mga kumakalat na balita.

Nakuha ni Jojit ang mga numero ng telepono ni Dick, hinanap niya ‘yun sa buwanang bill na dumarating sa kanyang bahay, dahil si Jojit ang nagbabayad ng telephone bill ni Jordan.

"Mula po nu’ng November hanggang ngayon, hindi rumehistro ang phone number ni Roderick, kaya tsismis lang po ang balitang ‘yun!" diretsong sabi sa amin ni Jojit.

Nakarating na rin kay Jojit ang mga kwentong laging nagtatawagan sina Dick at Jordan, pero minsan man ay hindi siya kinabahan, kaswal na banggit sa amin ni Jojit.

At naniniwala kami sa pruwebang sinabi ni Jojit, alam naming totoo ang kanyang sinasabi, dahil sa maraming pagkakataon ay sa kanya rin namin nalaman ang mga pakikipagtawagan ng baguhang aktor sa mga pangalang nauugnay dito.
* * *
Pero ito ang hindi tsismis lang, totoong-totoo ito, may mga pruweba kaming mapanghahawakan tungkol sa katotohanan ng mga kaganapang ikukuwento namin.

Tungkol ito sa isang baguhang aktor na unti-unti nang nadidiskubre ng kanyang benefactor ang pagiging manggagamit lang, dahil nu’ng medyo magkapangalan na siya ay ni hindi na marunong magpahalaga sa mga nagagawa sa kanya ng isang taong literal na nagbihis sa kanya.

Kapag ang benefactor ang tumatawag sa baguhang aktor ay nagiging bulag at bingi siya, parang hindi niya naririnig ang tunog ng kanyang telepono, at parang hindi niya rin nababasa ang pangalan ng kanyang benefactor na nakarehistro sa kanyang telepono.

Ilang beses nang ginagawa ‘yun ng baguhang aktor sa kanyang benefactor, lalo na kapag may kasama siyang babae, pero kapag siya ang may kailangan ay nakatatawag siya kahit sa kalaliman ng gabi.

Magaling siyang maglambing lalo na kapag may gusto siyang ipabili sa kanyang benefactor, meron siyang oras kapag may luho siyang ibinubulong, pero pagkatapos niyang makuha ‘yun ay nawawala na naman siya.

Kapos sa pagpapahalaga ang baguhang aktor na ito sa mga nagagawa ng kanyang benefactor hindi lang sa kanya, kundi pati na sa kanyang pamilya, literal na ang taong ‘yun ang nag-ahon sa kanilang mag-anak sa kahirapan.

Unti-unti nang nagigising ngayon sa katotohanan ang benefactor ng baguhang aktor, nababawasan na ang pagmamahal nito sa lalaking magaling lang kapag may gusto, pero kapag wala na ay ginagawa na niyang tau-tauhan ang taong gumagastos at nagmamalasakit sa kanya.

Ang nag-uugnay na lang ngayon sa kanila ay ang pamilya ng baguhang aktor, napamahal na rin kasi sa benefactor ang kanyang pamilya, at ang mga ito na lang ang pinagmamalasakitan ngayon ng singer-businessman.

Kapag tuluyan nang naglaho ang pagmamahal ng benefactor sa baguhang aktor ay para siyang nagtampo sa bigas, malaking kawalan ang taong ito sa kanyang career, lalo na’t barya-barya pa lang naman ang kanyang kinikita.

Sa kakarampot pa lang namang kinikita ng aktor na miyembro ng isang grupo ng mga guwapong kalalakihan ay nakakotse na siya, puro branded ang kanyang kagamitan, kasi nga ay ginagastusan siya ng husto ng singer-businessman para huwag siyang magmukhang kawawa.

Maraming handang pumalit sa puwesto ng baguhang aktor sa puso ng negosyante, pero may makikita kayang katulad nito ang baguhang aktor?

May mga kamay kaya ang baguhang aktor para kumita siya sa pamamagitan ng kanyang pagsisikap, samantalang nasanay na siya sa puro bigay at sa madaliang paraan?

Paano na kung tamad pala siya at wala namang mga kamay?

vuukle comment

AKTOR

BAGUHANG

BENEFACTOR

JOJIT

JORDAN HERRERA

KANYANG

LANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with