^

PSN Showbiz

Martin at Pops, magkahiwalay na nagkakagalit pa!

RATED A - Aster Amoyo -
Although loveless pa rin hanggang ngayon, walang alinlangan na ang songbird-actress na si Regine Velasquez pa rin ang pinaka-busy sa kasalukuyan. Kabi-kabila ang kanyang concerts here and abroad. May dalawa siyang regular TV shows at may movie siyang tinatapos ngayon sa bakuran ng Viva Films, ang tambalan nila ni Christopher de Leon.

Although naging successful ang una nilang tambalan, ang Wanted: Perfect Mother na ginawa nila nine years ago, maraming taon ang kanilang binilang bago sila muling nagkatambal.

Ang feel-good movie nina Boyet at Regine ay movie directorial debut ng TV director na si Louie Ignacio.

After her movie with Boyet, may gagawin din siyang movie with Richard Gomez na nakatambal niya sa isang hit movie last year.

Happy si Regine sa magandang takbo ng kanyang career both sa singing at acting. Although singing will always be her priority, aminado ang dalaga na nagi-enjoy din siya ng husto sa paggawa ng pelikula. Ang problema nga lang, masyadong malaking oras ang nakakain nito kumpara sa singing.

Kung fulfilled si Regine sa kanyang career, mukhang hindi naman kumpleto ang kanyang kaligayahan dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang loveless.
* * *
Sa araw na ito ng Biyernes (Feb. 14) magtatapos ang one-and-a-half year nang tumatakbong teleserye ng tambalang Judy Ann Santos at Piolo Pascual, ang Sa Puso Ko, Iingatan Ka.

Ngayong tapos na ang mga kabanata ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka, magkaroon pa kaya ng mga susunod na tambalan sina Juday at Piolo gayong nakabitin ngayon sa balag ng alanganin ang latest nilang tambalan sa pelikula, ang It Might Be You na pinamamahalaan ni Joyce Bernal?

Naniniwala kami na may strong following pa rin ang tambalang Juday at Piolo at hindi ito kailangang patayin dahil ang higit na masasaktan ay hindi silang dalawa kundi ang kanilang mga libu-libong tagahanga.
* * *
Hindi totoong nag-resign na si Pops Fernandez sa ASAP tulad ng ibig palabasin sa mga balita. Pero totoong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera kaya hindi ito nakadalo sa birthday celebration ng huli sa ASAP nung February 2. Wala rin si Pops nung February 8 dahil itineyp ito after the live show nung February 2.

Pero hindi dapat mag-worry ang mga tagahanga ng estranged couple dahil in good terms na muli sina Pops at Martin na magkakaroon ng series of concerts sa Araneta Coliseum on February 21 at magkakaroon ng matinee show on February 22 and extended run on February 28.

Talagang nasabik ang mga tagahanga ng dating mag-asawa dahil pitong taon din silang hindi nakitang magkasama sa concert.

Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na nai-insecure umano ngayon si Katrina Ojeda dahil may bagong girlfriend na si Martin sa katauhan ng ‘weather girl’ ng GMA-7 na si Cutie del Mar?
* * *
Mukha yatang may katotohanan ang mga balita na on the rocks na ang pagsasama bilang mag-asawa nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga.

Sa SOP last Sunday, sa simula lamang ng programa napanood si Janno pero hindi na ito nakitang muli hanggang matapos ang programa.
* * *
E-mail: <[email protected]>

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BING LOYZAGA

BOYET

CENTER

IINGATAN KA

IT MIGHT BE YOU

SA PUSO KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with