^

PSN Showbiz

Myle Fernandez ang negra ng Viva Hot Babes

- Veronica R. Samio -
Unang pangalan na ibinigay sa kanya ay Nicola Jane. Pinalitan agad ito ng Myles Fernandez bago pa siya i-launch bilang myembro ng Viva Hot Babes dahil aniya ay "Wala sa personality ko ang Nicola Jane dahil ang tunog ay parang pang-mestisa, parang foreign."

"Ang gusto ng Viva na iproject ko ay yung isang simpleng babae na mula sa probinsya, sexy pero, pang masa. Tingnan n’yo nga naman ang kulay ko, kakaiba sa kanilang lahat, maitim, parang negra. Ayaw nga akong isabay sa grupo dahil nagmumukha akong trying hard," sabay turo sa mga mestisahin niyang mga kasama.

Sa kabila ng sinasabi niyang ka-negrahan niya, may pelikula na siya agad sa Viva, ang Two, kasama sina Rica Peralejo, Wendell Ramos at Rufa Mae Quinto. "Tungkol ito sa mga kerida, mistresses. Ako ang pinaka-batang mistress dito," aniya.

Nadiskubre si Myles ng editor ng FHM, nang maging isa ito sa hurado sa ginanap na pakontes sa Lyceum na kung saan ay nag-aaral siya. Kinuha siya nito para maging "Girlfriend of the Month." Dito siya nakita ng boss ng Viva. Ipinahanap siya nito at binigyan ng apat na taong kontrata.

Labingwalong taong gulang na si Myles at kasama sa VCD na ginawa ng Viva na nagkakahalaga ng P250. Nagtatampok ito sa walong Hot Babes na inaasahang magsi-seduce at magbibigay ng excitement sa mga imahinasyon ng kalalakihan.
*****
Isa pa ring Viva Hot Babe si Hazel Cabrera na ayaw papag-artistahin ng kanyang ama. Hiwalay na ito sa kanyang ina at may bago na siyang stepdad.

Last year lamang sila nagkakilala ng kanyang ama.

Nadiskubre siya habang nagsa-sunbathing sa isang hotel sa Cebu kasama ang kanyang amain. Agad ay dinala siya sa Viva na kung saan ay binigyan siya ng kontrata.

"I believe kinuha ako ng Viva because I look cute, very baby-faced. Parang good girl na hindi," sabi niya.
*****
Hindi pa man natatagalang nagbabalik ay mukhang aatras na naman si Ailah Marie. Ang dahilan ay mukhang maaahas ng kanyang mga kasamahan sa pelikulang Silang Mga Rampadora ang kanyang asawa. Hindi naman siya selosa pero, minsan ay nagselos ito nang makitang may nakakandong na babae sa kanyang asawa.

"Baka nagpapalakas lamang sa kanya dahilan sa isa rin siyang producer ng aming movie," ani Ailah.

"No, hindi nag-produce ang asawa ko dahilan sa akin. Naghahanap ito ng magiging negosyo at nang humingi siya ng advice kay Direk Portiah (Alviz) ay inalok siya nito na makisosyo na lang sa movie. Pumayag naman siya agad."

Marami ang hindi nakakalam na isinilang sa Cognac, France si Ailah Marie. Until 9 years old siya, andun siya. Nakapagsasalita siya ng ilang French. Nang umuwi sila rito ay nag-aral muna siya sa isang French school.

Nung mawala siya sa pelikula ay pumunta siya ng France para magkita sila ng kanyang ama. Pagkatapos ay sa California, bago sa Guam na kung saan ay nakita niya ang kanyang napangasawa sa isang bar na kinakantahan ng isang banda na siya ang soloista.

"Ayaw ko siya nung una. Tall, dark and handsome ang type ko pero, one night bigla ko na lang naisip na mahal ko pala siya."

Bukod kay Ailah Marie, starring din sa Silang Mga Rampadora, sina Melissa Mendez, John Apacible, Odette Khan, John Medina at ang dalawang baguhang sexy stars na sina Hanni Miller at Tricia Ferreli.
*****
Pwedeng pumili rin ang mga TV viewers ng mananalong Star For A Night na ang finals ay magaganap sa Marso, sa Ultra.

Lahat ng Globe at Smart subscriber ay maaring mag-text ng pangalan ng kanilang paboritong kalahok simula Peb. 9 hanggang pitong minuto makatapos makakanta ang huling finalist sa grand finals. Ang text votes ay bubuo ng 30% sa score ng finalists.

Pindutin ang S4AN <space> name of finalist> at ipadala sa 2966 para sa Globe-Touch Mobile at sa 269 para sa Smart/TalkNText. Kailangang tama ang spelling ng mga pangalan: Roxanne, Angeli Mae, Angeline, Musica, Carlo, Sarah, Jason, Mark, Mailyn, Maureen, at Florie Mae.

vuukle comment

AILAH MARIE

ANGELI MAE

AYAW

KANYANG

MYLES

NICOLA JANE

SIYA

VIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with