^

PSN Showbiz

Paolo na-turn-on kay Assunta

RATED A - Aster Amoyo -
Hindi ikinakaila ng baguhang actor na si Paolo Rivero na na-turn on umano siya sa hot scene nila ni Assunta de Rossi sa pelikulang Bahid na magsisimulang ipalabas ngayong Miyerkules.

Natutuwa si Paolo dahil nakatambal niya si Assunta sa huling sexy movie nito dahil magku-concentrate na umano ito sa mga wholesome films bilang paghahanda sa kanyang pagiging Mrs. Jules Ledesma na mangyayari sa December 14 sa kanilang civil wedding na gaganapin sa hometown ni Jules sa San Carlos City sa Negros Occidental.

"Mahusay na aktres si Assunta. Sayang nga lamang at hindi na siya magpapatuloy sa kanyang pagpapaseksi sa pelikula," may tonong panghihinayang na tinuran ni Paolo.

Aminado ang aktor na isang malaking karangalan para sa kanya na makatrabaho ang mga award-winning actors na sina Eddie Garcia, Dina Bonnevie at Assunta at ganundin naman ang direktor na si Joel Lamangan.

Bukod sa Bahid na magbubukas sa maraming sinehan ngayong araw, si Paolo ay on a semi-regular mainstay ng Tabing Ilog at gumaganap siya rito bilang isang macho gay.
* * *
Matagal-tagal na ring panahong wala tayong nababalitaan sa mahusay na mang-aawit na si Judith Banal na naging paborito noon ni Gary Valenciano bilang special guest sa kanyang mga concerts here and abroad. Nasaan na nga ba si Judith at ano ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon?

Judith is back in town galing sa kanyang halos limang taong pamamalagi sa Japan. Kasalukuyan siyang busy sa kanyang self-titled debut album sa ilalim ng Evolution Music na pag-aari ng lawyer-businessman na si Wowie Posadas.

Si Judith ay nagsimulang maging lead vocalist ng kilalang banda noon, ang Cicada Band na pinagmulan din ni Randy Santiago. Naging member din siya ng Powerplay Band na pinanggalingan naman ng dating presidential daughter na si Jo Ramos. For quite sometime ay naging paborito siyang guest performer ng mga concerts ni Gary V hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Kakaiba ang powerful at crystal clear soprano voice at maging ang stage presence ni Judith na madalas ihalintulad sa mga boses nina Whitney Houston, Mariah Carey at Janet Jackson.

Although walang background sa acting si Judith, siya ang pinili ng Asian superstar na si Dick Lee para makapareha sa isang legendary musical na "Nagraland" na ipinalabas sa Singapore, Japan at Hongkong.

Nung 1993, si Judith ay kumatawan sa Asean Song Festival na ginanap sa Brunei kasama sina Jamie Rivera at Dingdong Avanzado. The following year, 1994, kinuha naman siyang lead vocalist ng Sony recording artist band at sikat na Japanese reggaeo/ska band, ang Boom Band at napasama siya sa Club Asia Concert Tour at Far East Samba Winter Tour. Napasama rin siya sa dalawang album ng band sa Sony Music.

Taong 1996 naman nang kontratahin siya ng Sony Music-Japan para naman sa kanyang unang solo album na pinamagatang "Tokyo Love" at sa paglabas ng kanyang album ay nagkaroon siya ng 46-city tour sa buong Japan pero patuloy pa rin siyang nagpi-perform with the Boom Band bilang guest artist sa Cannes, France para sa Midem Music Festival nung Enero 1997 at sa Tubingen, Germany para sa Latin-Jazz Festival nung July 1997. Nakapagtanghal din siya sa Switzerland para sa prestihiyosong Montreux Jazz Festival.

Bumalik si Judith ng Pilipinas nung 1997 para sa 1997 Metropop Song Festival at inawit niya ang "Delikado, Delikadeza" kinompos ni Soc Villanueva. Ito ang nakakuha ng third place. Dahil sa kanyang Metropop victory, kinontrata siya ng Infiniti Music para naman sa kanyang solo album na pinamagatang "Solo" at ito’y ini-release nung January 1998.

Although hindi na siya gaanong visible sa mga concerts ni Gary V., hindi ito nangangahulugan na nawala na sa music scene si Judith. Ang totoo niyan, she’s still busy as ever at isa pa niyang pinagtutuunan ngayon ay ang kanyang self-titled debut album sa ilalim ng Evolution Music na nakatakdang i-release sa market sa unang linggo ng December. Carrier single ng album ay ang awiting "Kung Alam Mo Lang" na magkatulong na kinompos nina Judith at Wowie Posadas.

Sa rami ng tinaguriang divas na naglipana ngayon, gustong maiba sa kanila si Judith na may kakaibang estilo sa larangan ng pag-awit.
* * *
Email: [email protected]

ASSUNTA

BOOM BAND

EVOLUTION MUSIC

GARY V

JUDITH

KANYANG

PARA

SIYA

WOWIE POSADAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with