Namamalengke si Juday!
September 19, 2002 | 12:00am
Enjoy sa kanyang bagong negosyo si Judy Ann Santos ang Kaffe Karrabana at Anonymous. Kapag tapos na ng syuting o taping ay nagtutungo siya sa kanyang restaurant at ipinagluluto ang kanyang mga customer. Sumasama rin siya sa kanyang ina sa pamamalengke sa Farmers Market. Naroon na sila ng alas 5:00 n.u. at nakikipagtawaran na sa mga tindera. Hindi makapaniwala ang mga tindera dun na ang kaharap nilang namimili at nakikipagtawaran sa kanila ay ang paborito nilang artista.
Kasalukuyang nasa Amerika si Juday for a series of shows sa Hawaii at Los Angeles kasama sina Paolo Contis at John Lapuz. Dapat ay bakasyon lang siya rito pero naging trabaho na ito dahil ayon sa aktres ay kailangan niyang magtrabaho para mabayaran ang ibang pagkakautang. May ginagawa silang pelikula ni Robin Padilla titled Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang under Viva Films.
Hindi na itinuloy ang Mano Po ng Regal Films para sa Metro Manila Film Festival Philippines.
Baka magkasundo na rin sina Assunta at Alessandra dahil guest ang huli sa Beh, Bote Nga.
Umaasa si Patricia na magkakabalikan silang dalawa balang araw dahil compatible sila sa maraming bagay.
Bilang isang artista ay wala nang mahihiling pa si Amalia.
"Kuntento na ako sa aking buhay ngayon. Im at peace at wala na siguro akong mahihiling pa. Kung akoy mamamatay gusto kong ibahagi ang iba kong biyaya sa mga homeless children. Naaawa ako sa kanila at lubha silang malapit sa aking puso," sey ng maganda pa ring aktres.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















