^

PSN Showbiz

STEAM Foundation ni Aga, nakikilala na

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nagkaroon ng 1st Case Conference ang STEAMDPFI (Special TEAM (training, employment, advocacy, management) for Deaf Persons Foundation, Inc. nung Abril 23, Martes, simula, 12:00 n.t. sa Virata Hall ang Development Academy of the Philippines. Dito ay nagbigay ng update si Aga Muhlach, Chairman ng STEAMDPFI sa nakaraang tatlong taon ng Foundation. Gaya ng pagkakataon na mabigyan ng trabaho ang maraming bingi na sinasanay ng Foundation.

Ang STEAMDPFI ang nag-iisang NGO organization na accredited ng government. Sa ngayon ay mayroong batas na inilalakad sa Kongreso para mapahaba ang tenure of work ng mga deaf sa kanilang mga pinapasukan. Sa ngayon ay nagri-renew pa sila ng kontrata tuwing ika-6 na buwan. Nakakaapekto ito ng malaki sa mga bingi dahil kung kailan sila nagsisimulang makapag-adjust sa kanilang trabaho at mga kasamahan ay saka naman sila matatanggal.

Mahigit sa 100 na mga kabataang walang pandinig ang ngayon ay nagtatrabaho na sa maraming sangay ng Jollibee, isa sa walang sawang partner ng Foundation. Maging ang maraming empleyado nito ay pinapag-seminar sa STEAM para sa madaling pakikitungo sa mga bingi.

Isa sa mga deaf leader ng Foundation, si Joseph Cromwel Umali, ay nagtatrabaho na sa Malacañang, sa Office of the President. Sa ngayon ay mayroong isa pang sinasanay para punan ang kanyang posisyon at magsilbing lider ng mga deaf, si Vergil Liscabo, 23 gulang, mula sa isang mahirap na pamilya pero nagsisikap para mamuno sa mga bingi na umaabot na ang bilang na 4.5 M sa buong Pilipinas.

Naging panauhing pandangal sa STEAM Case Conference si Australian Ambassador Ruth Pearce at Australian Counsellor Peter Smith. Ang Australia ang isa sa nagbibigay ng financial aid sa STEAM sa ilalim ng AUSAID- PACAP

Dumalo din sa nasabing affair sina Prof. Alexander Magno, Jollibee VP Robert Poblete, DSWD Sec. Dinky Soliman at maraming kinatawan ng gobyerno at private sector.

Iisipin mo na dahil mga bingi sila ay wala na silang alam gawin, pero ipinakita ng mga bingi na dumalo sa nasabing conference na lahat ng nagagawa ng mga normal na tao ay magagawa rin nila. Nagsayaw sila, kumanta, sumali sa hands-on marketing, sa katuwaan ng kanilang Chairman Aga Muhlach na ang mga ginawang suporta sa mga bingi ay unti-unti nang nagbubunga ng maganda. Pangarap niya na maisalin sa isang bingi ang kanyang posisyon sa Foundation sa lalong madaling panahon.

"Bakit hindi, kapag kaya na nila? Talaga namang kami lang nina Tito Ogie at Tita Rose Vergara ang nagpasimula nito, para rin sa kanila," anang guwapong aktor na may mabuting puso.
Bold Talaga Ang Forte Ni Joyce
Hindi na mapasusubalian that Joyce Jimenez is at her best in bold flicks. Lahat ng kasamahan niya, including her director, Ed Palmos, of the movie Ang Galing Galing Mo Babes ay humanga sa ipinakita niyang professionalism habang ginagawa nila ang movie.

"Tulad ng dati, wala siyang pakialam. Kapag sinabi mo kung ano ang kailangan sa eksena, kung kailangan siyang maghubad o makipag-love scene. walang tanong, ginagawa niya agad," ani Albert Martinez.

"
Nakagawa na rin ako ng mga sex scenes before pero, iba si Joyce, walang kiyeme. Ako pa ang nahihiya pero sinasagip niya ako sa mga eksena," ani Marcus Madrigal naman.

"Kung iba ang naging artista ko baka, hindi ganun ka-daring lumabas ang mga eksena ko. Maswerte ako na si Joyce ang naibigay sa aking artista. Ipinaliwanag ko lamang sa kanya ang mga eksena, nagagawa na niya. Hindi rin siya mayabang, nagtatanong din siya kapag malabo sa kanya ang eksena. Hindi siya basta tumatanggap ng instruction, nagbibigay din siya ng input. Kung hindi siya komportable, sinasabi niya, nakapaga-adjust kami at ang mga ka-eksena aniya," anang direktor niya.
Angelu, Di Nagpu-Promote Ng Movie?
Ilang ulit nang nag-presscon ang D’Uragons pero ni minsan ay hindi nagpakita si Angelu de Leon na mayroon namang mahalagang role sa movie, bilang kapareha ni Eddie Garcia. Marami tuloy ang gustong maniwala sa tsismis na buntis na naman siya.

Hindi naman daw ganun ka-hectic ang sked niya para di niya magawang umapir, kahit minsan lang, sa mga iniiskedyul na presscon. Nakakatatlo na ito pero sina Andrew E., Eddie Garcia at Patricia Javier ang palaging nakakausap ng press.

Kung sakali mang magkatotoo ang tsismis, ano kaya ang mangyayari sa kanyang character sa teleserye na Sana Ay Ikaw na Nga na kung saan ay mahalaga ang role nila ni Bobby Andrews, next to those of Dingdong Dantes and Tanya Garcia.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALBERT MARTINEZ

ALEXANDER MAGNO

BINGI

CASE CONFERENCE

EDDIE GARCIA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with