^

PSN Showbiz

Gio Marcelo, sinaktan ng fans ni Judy

-
Napapangiti lang si Gio Marcelo pero kinabahan din daw siya noong sugurin ng ilang tagahanga ni Judy Ann Santos nang minsang mapasyal siya sa isang mall. Hindi niya akalain na malaki pala ang epekto ng pagiging kontrabida niya kay Judy Ann sa programang Sa Puso Ko, Iingatan Ka. Akalain bang may bibilhin lamang siyang T-shirt nang bigla siyang hinarap ng ilang mga tagahanga at komprontahin sa ginawa niya sa kanilang idolo.

Masyado na raw ang pang-aabusong ginagawa niya kay Juday. Mabuti na lang, may guwardiyang umawat sa kanila dahil pinapalo na siya ng peryodiko ng isang tagahanga. Hindi naman ito mapatulan ni Gio dahil daig pa niya ang isang abnormal kapag pinatulan ito. Ipinaliwanag niyang umaarte lang siya at hindi totoong piniperwisyo si Juday. Ayaw pa ring maniwala ng mga tagahanga at nilayasan na lang siya ng mga ito.

"Feeling ko okey sana dahil epektibo ang papel ko. Pero mahirap din pala, kapag panatik ang naka-encounter mo. Nananakit pala sila, kwento ng sumisikat na actor." — VG

vuukle comment

AKALAIN

AYAW

GIO MARCELO

IINGATAN KA

IPINALIWANAG

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

MASYADO

NANANAKIT

SA PUSO KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with