Raven Villanueva, nagpakita ng boobs!
- Veronica R. Samio () - October 12, 2001 - 12:00am
Marami ang hindi nakakaalam na bumalik na ng bansa si Raven Villanueva. Dumating siya nung unang araw ng Agosto. Ngayon ay sabak siya sa isang pelikula ng Viva Films na pinagbibidahan nina Rica Peralejo at Mark Anthony Fernandez sa ilalim ng direksyon ni Erik Matti, ang Dos Ekis.

Matatandaan na tatlong taon ding nawala si Raven matapos ang mainit na pakikipagrelasyon niya kay Diego Castro na nauwi sa isang civil wedding sa US. Mayro’n silang tatlong taong gulang na anak, si Angelica, na nagpapabalik-balik sa kanilang dalawa.

Divorced na silang dalawa. May kanya- kanya na silang buhay. Tatlong taon ding namalagi sa Guam si Raven na kung saan ay nagtrabaho siya, una sa front desk ng isang otel dun at, ikalawa, bilang manager ng isang jewelry store.

Nagkaroon din siya ng boyfriend, isang 29- year old Chinese, pero hiwalay na sila ngayon. Pero di tulad ng paghihiwalay nila ni Diego na hindi niya masasabing maganda sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap, magkaibigan pa rin sila ng kanyang ex-Chinese bf.

"Bata pa lamang kami ni Diego nun kaya siguro hindi naging maganda ang aming separation. Pero, nag-uusap kami ng mommy niya (June Keithley) na tinatawag kong tita. Worried nga ako na baka mabigla siya kapag nakita niyang nagpa-sexy na ako. Hindi ko sinabi sa kanya." (June Keithley is currently the Vice Chairman of the MTRCB . — Ed)

Si Diego ba ang dahilan ng pagbu-bold niya?

"Hindi, sarili kong desisyon ito. Matagal kong pinag-isipan ito. I even consulted my friends. Dalawa lamang sa kanila ang hindi pabor pero, pumayag din sila in the end.

"I felt walang kapupuntahan ang career ko kung ipagpapatuloy ko yung dati kong ginagawa. I feel mature enough to handle the responsibility na kasama ng trabaho ko. When Viva offered me the role sa Dos Ekis, tinanggap ko agad. But I was given the option kung magi-stick ako sa mga dati kong roles na matatagalan pa bago ako umangat. Pinili ko ito."

Bukod sa pagpapakita niya ng boobs at pagkakaroon ng maiinit na love scenes with Mark Fernandez, mayro’n din siyang love scene sa isang character actor na hindi niya matandaan ang pangalan. Hindi ba siya nahirapan na i-execute ang role?

"Hindi, inisip ko lang na para lang akong naghuhubad ng damit sa bahay. Ganun lang," sabi niya.

Twenty-one years old na si Raven. Ang pag-stay niya sa Guam at ang pagkakaroon ng isang failed marriage na nagbunga ng isang anak ay nagbigay ng maturity sa dating TGIS star na dati ay mahiyaing-mahiyain kung kaya pati pagu-order sa restaurant ay ipinasasabi pa niya sa mga kasamahan niya.

Nagbunga naman ang pagiging daring niya sa Dos Ekis. Inihahanda na ang kanyang solo starrer na pinamagatang Boso at ididirek ni Yam Laranas.

"Reding-redi na ako sa pagsi-sexy. Excited nga ako na mapanood itong Dos Ekis. I am 101% sure sa aking ginagawa. Hindi ko sinasabi na papantayan ko ang ginawa ni Rica sa movie pero, feel ko kayang-kaya kong gawin ang hinihingi ng trabaho ko. All out ako at todo bigay pa," ang pangako niya.

Hindi ba siya nag-aalala sa magiging reaksyon ng kanyang anak kung saka-sakali?

"Gusto kong tingnan ito sa positibong anggulo. Bata pa siya at paglaki niya baka nga sabihin pa niya, ‘Ang ganda-ganda pala ng nanay ko nung araw’," pagtatapos niya.
*****
Isang multi talented stand-up comedian, isang TV personality at apat na energetic na mang-aawit ang magsasama-sama sa isang show na siguradong magpapagulong sa mga manonood sa katatawa at kakakanta.

Pinamagatang Power of 3, pinagsama-sama rito ang pwersa ng tatlo sa pinaka-promising local artists na sina Rey Kilay, Meryll Soriano, Boyztown plus Appetite Band. Mapapanood ang show sa Chatterbox Galleria sa Okt. 23, 9:00 ng gabi.

Sa loob ng dalawang oras, isang showdown ang magaganap sa tatlo sa pamamagitan ng MDM Productions na kilala sa pagpo-prodyus ng mga ganitong klaseng shows.

Si Rey Kilay ay kilalang stage comedian na nakilala sa pagi-impersonate ng mga artista gaya ni Jaya. Bukod sa regular performances sa Punchline, Laffline, Concierto at Library, regular din siya sa operang Pangako Sa ’Yo.

Sino ang mag-aakalang marunong kumanta si Meryll? Isang revelation ito na magaganap sa Power of 3. Tingnan kung epektibo rin siyang singer.

Ang Boyztown ay apat na guwapong lalaki na magagaling ding kumanta. Sa show, ipamamalas nila at patutunayan na they are more than just a boy band.

Ang Power Of 3 ay isinulat ni Joel Mercado, choreographed ni Geleen Eugenio, dinirek at iprinodyus ni Mikee Martinez.

Para sa ticket inquiries, mag-text sa 091929766982 o 09174797183.

AKO APPETITE BAND BATA DOS EKIS ISANG JUNE KEITHLEY NIYA SIYA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with