^

PSN Showbiz

Tina Paner, magpapakatandang dalaga?

-
Tatlo sa mga miyembro ng nawalang That’s Entertainment ang talagang naging matalik na magkakaibigan. Ito ay sina Sheryl Cruz, Manilyn Reynes at Tina Paner. Sila ay pawang mga original members ng naturang programa.

Of the three, may asawa na sina Sheryl at Manilyn. May anak na sina Mane at Aljon Jimenez habang naghihintay na maisilang naman ni She ang kanilang first born ni Norman Bustos.

After her split with Cris Villanueva, wala nang nabalitaan pang lalaki sa buhay ni Tina who, at 25 years old age, ay masasabing nasa ripe age na for marriage. "Siguro, kapag nakita ko siya, mag-aasawa rin ako but at the moment ay hindi pa siya dumarating but it doesn’t mean hindi na siya talaga darating. Ayaw ko namang tumandang dalaga, no!" sabi ng hanggang ngayon ay maganda pa rin at very slim na si Tina who still sings occasionally sa mga corporate shows, TV, at madalas sa mga probinsya kapag naiimbitahan sa mga fiesta. She tends a grocery store at her residence in Novaliches.

May communications pa rin silang magkakaibigan, lalo na sila ni Mane sapagkat madalas pa rin silang magkasama sa mga shows at paminsan minsan, nagkakausap sa telephone. Bagaman at bihira na nilang makausap si Sheryl, tini-treasure pa rin nila ni Mane ang kanilang friendship at are waiting for the time na magkaroon naman silang tatlo ng reunion.
*****
Medyo may katabaan si Susan Lozada nang makita ko sa That’s reunion. Kagagaling lamang niya sa US na kung saan ay dalawang taon siyang namalagi at nag-aral ng cosmetology sa Long Beach, California. Nakapasa na rin siya sa isang state board exam na kinuha niya for cosmetologists and therapists kaya lisensyado na siyang mag-practice nito kahit dito sa atin.

Wala pa ring asawa si Susan who is eager to go back to acting. Matatandaan na naging matagumpay yung venture niya sa TV, yung mime show niya na Si Tsong, Si Tsang with Earl Ignacio.

Marami ring may pangalan ang dumating sa That’s reunion gaya nina Vina Morales, Jessa Zaragoza, Isabel Granada, Assunta da Rossi, Simon Soler ng Jeremiah, Tootsie Guevarra, Judy Ann Santos, Isko Moreno, Robert Ortega, Manilyn Reynes, Harlene Bautista, Romnick Sarmenta, Tina Paner, Renzo Cruz, Bimbo Bautista, JP de Guzman, Almira Muhlach, Maricar de Mesa, Francis Magalona, Beth Tamayo, Smokey Manaloto, Sharmaine Arnaiz at tumawag naman sa telephone sina Caseylin Francisco from Holland at Billy Crawford from New York at marami pang iba. Dumating din ang iba pang kasapi tulad nina Ivy Isidoro, Royce Roselo, Cary, Sharla Sanchez, Marco Salvador, Ricky Rivero, atbp.

vuukle comment

ALJON JIMENEZ

ALMIRA MUHLACH

BETH TAMAYO

BILLY CRAWFORD

BIMBO BAUTISTA

MANILYN REYNES

TINA PANER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with