^

PSN Showbiz

Onemig, kinalasang muli ng syota

-
For the third time, naghiwalay na naman daw ang magsyota na sina Onemig Bondoc at China Cojuangco. At sa ikatlo pa ring pagkakataon, si China raw ulit ang nakipagkalas?

Ayon na rin sa isang source, ang patuloy daw na pambababae ni Onemig ang dahilan ng pakikipag-split ni China. Hindi na raw nakayanan ni China ang ‘weakness’ na ito ng binata na madalas nilang pagtalunan.

Kung paniniwalaan pa ang tsismis, ginagawa raw motel ni Onemig ang tinutuluyan niyang condo sa may San Juan? Isang bagay na hindi raw matanggap ni Ms. Cojuangco?

Well, kung si Onemig naman ang tatanungin, tinatawanan lang niya ang ganitong isyu.

"As much as possible, ayoko na parating nadadamay si China sa mga intriga. Matagal ko na rin itong sinasabi na kung pupuwede ay ibalato na lang sa akin ’yung tao.

"It’s really unfair for China na parati siyang nasasali sa mga usapan whereas nananahimik lang siya. Hindi kasi maganda at nakakaawa naman ’yung tao. At sana maintindihan n’yo rin ako," pag-iwas na sabi na lang ni Mr. Bondoc.

Ayaw ding patulan ni Onemig ang isyung isa rin si Jolina Magdangal sa mga dahilan ng break-up nila ni China.

"Huwag na rin nating isali pa si Jolina. Nananahimik din ’yung tao at ilang beses ko na rin namang nasabi na close friends lang kami and nothing more, nothing less," pag-iwas na naman niya.

Umaasa naman ang bawat kampo nina China at Onemig na magkakabalikan at magkakabalikan pa rin silang dalawa. That in the end ay silang dalawa pa rin ang magsasama.

Buhat pa sa isang malapit na kaibigan ng aktor, wala naman daw dapat ikabahala si China dahil ito lang ang minahal at sineryoso nang husto ni Onemig.

And that, sapat na nga ’yung binibitiwang statement ni Onemig na handa niyang pakasalan sa lahat ng simbahan si China. — Robert Perez

CHINA

CHINA COJUANGCO

JOLINA MAGDANGAL

MR. BONDOC

MS. COJUANGCO

ONEMIG

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with