‘Manika’ (Part 7)
NANG dumalaw muli si Ninang Nerry sa bahay ay ipinagtapat ni Mama ang kalagayan ko na may matinding phobia sa manika. Sinabi ni Mama na ang regalo niyang manika ay nakatago sa kuwarto at nakakahon pa. Sinabi rin ni Mama na nagsisigaw at umiyak ako habang binubuksan ang box ng manika. Kaya nagpasya si Papa na itago na ang manika para hindi ko makita.
Naunawaan ni Ninang ang kalagayan ko.
“Hayaan mo at ipagdarasal kita na mawala ang phobia mo sa manika. Mayroon akong nabasang artikulo sa magasin na kusang nawawala ang pagkatakot sa isang bagay. May ilang kaso raw na nawala ang phobia dahil sa isang pangyayari na hindi malilimutan. Kung kailan mangyayari yun ay hindi sinabi. Naniniwala ako na makakatakas ka sa pagkatakot sa manika, Marie. May mangyayari na hindi mo malilimutan,’’ sabi ni Ninang at niyakap ako.
Nagbigay sa akin ng pag-asa ang mga sinabi ni Ninang.
Maski si Mama ay napanatag ang kalooban.
NASA high school na ako nang maganap ang isang pangyayari na hindi ko malilimutan. Iyon ang pangyayaring sinasabi ni Ninang Nerry.
(Itutuloy)
- Latest




















