^

Punto Mo

Lalaki na kayang magkabit nang maraming sipit sa mukha, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG content creator sa British Columbia, Canada ang nakapagtala ng world record matapos siyang makapagkabit nang maraming sipit sa kanyang mukha sa loob ng isang minuto.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Jacob Hillhouse ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Clothes Pegs Clipped to the Face in One Minute”. Ito ay matapos niyang makabitan ng 52 pirasong sipit ang kanyang mukha sa loob ng 1 minuto.

Naganap ang record breaking attempt ni Hillhouse sa Society Barbershop sa Duncan, British Columbia. Dalawang witness at dalawang expert timekeeper ang present sa naturang event para tulungan si Hillhouse na mag-validate, mag-video at mag-dokumento ng mga pangyayari na isusumite sa Guinness. Inabot ng apat na oras at 75 na subok bago na-perpekto ni Hillhouse ang pagkabit ng 52 pieces ng sipit sa kanyang mukha.

Isa sa mga mahirap ma-achieve na world record ang titulong ito dahil bukod sa masakit ito sa mukha, kailangang mabilis ang kamay para makarami ng ikakabit na sipit. Bago masungkit ni Hillhouse ang world record title, isang dekada itong na kay Silvio Saba ng Italy na ang record ay 51 piraso ng sipit.

Si Jacob Hillhouse habang ikinakabit sa mukha ang 52 piraso ng sipit.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with