^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibalik ang dating school calendar

Pang-masa
EDITORYAL - Ibalik ang dating school calendar

GRABENG init ang nararanasan ngayon. Apektado ang mga estudyante na animo’y nasa oven na classroom. Hanggang Mayo pa ang nararanasang init ng panahon kaya ganito rin katagal ang titiisin ng mga estudyante. Kawawa naman sila lalo na ang mga nasa public school na pupugak-pugak na electric fan ang gamit.

Sa nangyayaring ito, nararapat lamang na ibalik na sa dating school calendar na Hunyo-Abril ang pasukan ng mga estudyante. Maaring magkasakit ang mga bata sa tindi ng init. Hindi naman mabigyan ng sapat na electric fan ang bawat classroom sa mga pampublikong eskuwelahan. At kung mayroon man, mainit ang binubuga ng electric fan. Sa halip na maging maginhawa ang mga estudyante, lalong sumasama ang kanilang katawan dahil sa mainit na binubuga ng electric fan. Sabi ng ilang estudyante, mas mabuti pang magpaypay.

Kahapon, matindi na naman ang init sa maraming lugar sa bansa. May mga probinsiya na nagdeklara ng suspension ng klase dahil hindi na kakayanin ang sobrang init. May nagdeklara na walang pasok para makaiwas ang mga estudyante sa sobrang init.

Kabilang sa mga probinsiya na nagdeklarang walang pasok ang Bacolod City at Isabela sa Negros Occidental, Roxas at Capiz sa Iloilo City at South Cotabato. May mga nagdeklara rin na walang pasok sa Pangasinan at maging sa Occidental Mindoro.

Sabi ng Department of Education (DepEd) hinahayaan na nilang magdesisyon ang mga pinuno ng bayan kung magsususpende ng klase dahil sa sobrang init. Alinsunod sa memorandum ng DedpEd, maaaring magkansela ng face-to-face class ang mga pampubliko at pribadong eskuwelahan dahil sa matinding init.

Kahapon, maraming magulang ang binabantayan ang kanilang mga anak sa isang public school sa Quezon City dahil sa sobrang init. Inaalagaan nilang lagyan ng bimpo o panyo ang likod ng mga bata para hindi pawisan. Nag-aalala ang mga magulang na magkasakit ang kanilang mga anak lalo pa’t nananalasa sa bansa ang pertussis.

Ayon sa PAGASA, apat na lugar sa bansa ang makakaranas ng “danger” level na heat index kung saan papalo ang init mula 42 hanggang 51 degrees Celsius. Mararanasan umano ang mainit na panahon hanggang Mayo.

Ang pagbabalik sa dating school calendar ang paraan para makaiwas sa sobrang init ang mga esrudyante. Kung ibabalik sa dating school calendar, Abril at Mayo ang bakasyon. Makakaiwas sila sa init. Kung magagawa, simulan na sa susunod na school year ang pagbabalik sa dating school calendar. Kailangang pagpasyahan na ito para naman hindi nagtitiis sa mala-oven na classroom ang mga bata.

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with