^

Punto Mo

Reyalidad ng buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Ang inggit na nagmula sa ibang tao ay nagdadala ng negative energy sa kinaiinggitan.

• Ang pagpapahimba (showing off) sa social media ng iyong mga natanggap na biyaya  ay umaakit ng inggit  mula sa ibang tao.

• Ang pagkukuwento sa ibang tao ng iyong plano o magandang balita tungkol sa iyo ay mababahiran ng kamalasan kung ang napagkuwentuhan mo ay may ugaling inggitera. Hindi mo alam, ipinapanalangin na niya na huwag sanang matuloy ang plano mo.

• Tandaan mo na hindi lahat ng pagsasabihan mo ng magandang balita tungkol sa iyo ay ikakatuwa ng ibang tao, kaibigan mo man siya o hindi.

• Kapag nasa bakasyon, huwag mapo-post ng anuman “in real-time” sa social media upang maiwasan ang bad luck o masira ang masayang bakasyon. Mag-post ng tungkol sa bakasyon kapag tapos na ito at nakauwi na kayo. Totoong  may masamang epekto ang evil eye o negative energy mula sa puso ng mga inggitera, lalo na kung ito ay nanggaling sa taong close sa iyo. Kaya ang planong grandeng bakasyon ay isikreto muna.

• Ang paglayo sa mga toxic people ay magdudulot sa iyo ng magandang suwerte at kaligayahan.

• Kung malungkot ka, huwag mo itong ipagsabi dahil alinman sa dalawang dahilan: Wala silang pakialam o natutuwa sila at may problema ka. Hindi lahat ng ngumingiti sa iyo ay may magandang iniisip tungkol sa iyo.

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with