^

Punto Mo

EDITORYAL - Perwisyong POGOs ba’t hindi pa alisin

Pang-masa
EDITORYAL - Perwisyong POGOs ba�t hindi pa alisin

WALANG napapala sa Philippine offshore and gaming operators (POGOs) kundi perwisyo. Dahil sa POGOs, dumami ang krimen at ito ang tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ngayon. Sa halip na ang intindihin ng PNP ay ang paglilingkod at pagprotekta sa mamamayan, ang mga illegal POGO workers ang nagiging prayoridad nila. Hindi lamang sa Metro Manila nagkakaroon ng krimen sangkot ang illegal POGOs kundi sa mga probinsiya man.

Noong Miyerkules, nasa 875 katao ang na-rescue ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at PNP sa POGO hub sa Bamban, Tarlac. Sangkot ang POGO hub sa human trafficking, scam at illegal detention. Karamihan sa mga na-rescue ay Chinese. Ayon kay PAOCC Usec. Gilbert Cruz, sinalakay nila ang POGO hub makaraang magreklamo ang isang Vietnamese national na nakatakas sa POGO hub noong Pebrero 28. Bukod sa Vietnamese, isang Malaysian national din ang humingi ng tulong sa PAOCC sapagkat ikinukulong sila sa compound na pinagtatrabahuhan. Marami nang sinalakay na POGO hub ang PAOCC at tila wala nang katapusan ang problema sa mga ito. Hindi pa ba bubuwagin nang tuluyan ang POGOs?

Mula nang mag-operate ang POGOs sa bansa noong 2017, marami nang krimen na kinabibilangan ng pagpatay, kidnapping, human trafficking, crypto scam, money laundering, prostitution at iba pa ang naganap. Bukod sa krimen, hindi nagbabayad ng buwis ang mga POGOs kaya walang naitutulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Maraming mambabatas ang pabor na buwagin na ang POGOs sapagkat ayon sa kanila, walang napapakinabangan dito kundi ang pagdami ng krimen. Sampung senador ang nagpahayag na dapat nang buwagin ang POGOs. Ganunman, nananatili pa rin ang posisyon ng pamahalaan na huwag itigil ang POGOs. Sabi minsan ni President Ferdinand Marcos Jr. wala pa raw siyang nakikitang magandang dahilan para lubusang ipatigil ang POGOs.

Noong nakaraang buwan, ipinag-utos ni Pasig Mayor Vico Sotto na ipatigil ang POGO operation sa siyudad. Ang Pasig ang ikalawang lungsod sa Metro Manila na ipinagbawal ang POGOs. Una ang Valenzuela na ibinawal ang POGOs noong Hulyo 4, 2022. Ayon kay Valenzuela City mayor Wes Gatchalian, maraming krimen ang hatid ng POGOs kaya ipinagbawal niya ito.

Malaking perwisyo ang idinudulot ng POGOs sa bansa. Hindi na dapat pang hayaan na manatili ang operasyon nito sa bansa.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with