^

Punto Mo

EDITORYAL - Mapepeste ang mga dayuhan at turista

Pang-masa
EDITORYAL - Mapepeste ang mga dayuhan at turista

Dumadagsa na ang mga turista sa bansa ayon sa Department of Tourism (DOT). Mula Enero 1 hanggang Marso 5, 2024, 1.2 milyong turista na ang bumisita sa bansa. Kabilang sa mga ito ang 1,160,129 na dayuhan at 67,686 na Pilipinos na naninirahan sa ibang bansa. Mas marami ang bumisitang turista ngayong taon kumpara sa nakaraang taon na umabot lamang sa 999,390. Ang South Koreans ang pinakamarami sa mga dayuhang bumisita na sinundan ng Americans, Chinese, Japanese, Canadians, Australians, Taiwanese, British, Singaporeans at Germans.

Ayon pa sa report, daragsa pa ang mga turista sa pagsisimula ng tag-init na opisyal na magsisimula sa Abril. Ang Abril at Mayo ang pinakamainit na buwan sa Pilipinas na gustung-gusto naman ng mga dayuhan. Nagbababad sila sa magagandang beaches sa bansa particular na ang Boracay, Puerto Galera at sa mga makapigil-hiningang tanawin sa Palawan. Maganda namang di-hamak ang mga beaches sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Ang isang problema, maaaring mag-atrasan ang mga turistang patungo sa Pilipinas kung hindi masosolusyunan ang pag-atake ng mga peste sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kinabibi­langan ng surot, daga at ipis. Hindi maganda na ang mga pesteng ito ang sasalubong sa mga turista.

Noong nakaraang linggo, nag-viral sa social media ang mga nabidyuhang surot sa mga upuan sa Terminal 2 and 3. Nagkapantal-pantal ang katawan ng mga nakagat ng surot makaraang maupo sa mga metal na upuan.

Hindi pa humuhupa ang pagsalakay ng surot, na-bidyuhan naman ang pagala-galang daga sa Terminal 2. Marami ang nahintakutan sa malaking daga na anila’y kasinglaki ng pusa. Nagtakbuhan ang mga tao.

Pagkatapos ng naispatang daga, nag-viral naman ang mga nakitang ipis sa mga nasabi ring terminal. Marami at nakadidiri ang mga ipis.

Nagpapakita lamang na ang paglitaw ng mga peste sa NAIA ay dahil sa kapabayaan ng mga namumuno. Kung maayos at ginagampanan nang maayos ang pamamahala, hindi magkakaroon ng peste.

Masasayang ang ginagawang pagpu-promote ng DOT na bumisita ang mga dayuhan o turista kung makakaranas ng hindi maganda sa airport. Paano masisiyahan ang turista kung sa pag-upo niya sa mga upuan ay papapakin ng surot ang kanyang hita at puwit? Paano masisiyahan kung may gagala-galang daga at naglisaw na ipis?

Aksyunan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga naglutangang surot, daga at ipis sa NAIA. Nakakahiya ito. Mag-aatrasan ang turista dahil sa mga ito. Mapepeste sila!

vuukle comment

DEPARTMENT OF TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with