^

Punto Mo

Lalaki sa India, nagpanggap na pulis para tulungan ang kanyang kapatid na makapandaya sa exam!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India ang inaresto matapos magpanggap na pulis para tulungan na mandaya sa exam ang kanyang kapatid.

Noong Pebrero 21, nagsimula ang Higher Secon­dary Certificate exam sa iba’t ibang bahagi ng ­Maharashtra state at ilang araw pa lamang itong nagsisimula ay agad may nasangkot na sa cheating scandal.

Naganap ang insidente sa Shahbabu Urdu High School kung saan nagpanggap na police officer ang 24-anyos na si Anupam Madan Khandare. Ang plano niya ay maging tagabantay ng exam para lihim na bigyan ng kodigo ang kanyang kapatid na babae.

Ngunit nasira ang plano ni Khandare nang mapansin siya ng mga totoong pulis na magbabantay sa exam. Nang makasalubong kasi ni Khandare ang mga pulis, sinubukan nitong sumaludo ngunit mali ang kanyang ikinilos.

Naghinala ang mga pulis kay Khandare at napansin ng mga ito na mali ang suot nitong nameplate. Nang ininspeksyon ang laman ng kanyang bulsa, doon nakita ang mga kodigo na ibibigay sana nito sa kapatid.

Agad inaresto si Khandare at kinasuhan ng “impersonating a government servant”. Nahaharap siya sa ilang taon na pagkakakulong at maaaring masuspinde ang kanyang kapatid sa tangkang pandaraya sa exam.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with